Nawalan ako ng isang tunay na KAIBIGAN dahil sa ka-tangahan ko!!!
Bumalik ako sa blog para i-kwento ang aking problema sa aking kaibigan na kailanman ay hindi na maibabalik ('wag naman sana). dahil sa pagiging OA ko, nawalan ako ng kaibigan at napagdudahan pa ang aking kasarian. Biyernes, Sabado, at Linggo, buong araw kami magkasama, Lunes, magkasama kami sa opisina ng gabi at sabay tinapos ang trabaho, Martes, binigyan niya pa ako ng ulam ng umaga, nagbuhat kami ng archive boxes nung hapon at sabay kumain nung gabi. Subalit iba na ang nangyare nu'ng Miyerkules. Napakabait ng taong ito, pare ang tawagan namin, well, pare talaga ang tingin ko sa kanya, siya ang pinaka-mabait na tao na nakilala ko rito sa opisina, family oriented siya at halos lahat ng tao rito sa opisina ay ka-close niya dahil maganda ang ugali niya. Sabay kami lagi kumain, lilipat lang sa kabilang building gusto magkasama pa, lagi niya ako hinahatid sa bahay tuwing ginagabi kami, kilala siya ng mga magulang at kapatid ko pero kailanman ay hindi sila nag isip ng kung ano a