Nawalan ako ng isang tunay na KAIBIGAN dahil sa ka-tangahan ko!!!

Bumalik ako sa blog para i-kwento ang aking problema sa aking kaibigan na kailanman ay hindi na maibabalik ('wag naman sana). dahil sa pagiging OA ko, nawalan ako ng kaibigan at napagdudahan pa ang aking kasarian.

Biyernes, Sabado, at Linggo, buong araw kami magkasama, Lunes, magkasama kami sa opisina ng gabi at sabay tinapos ang trabaho, Martes, binigyan niya pa ako ng ulam ng umaga, nagbuhat kami ng archive boxes nung hapon at sabay kumain nung gabi. Subalit iba na ang nangyare nu'ng Miyerkules.

Napakabait ng taong ito, pare ang tawagan namin, well, pare talaga ang tingin ko sa kanya, siya ang pinaka-mabait na tao na nakilala ko rito sa opisina, family oriented siya at halos lahat ng tao rito sa opisina ay ka-close niya dahil maganda ang ugali niya. Sabay kami lagi kumain, lilipat lang sa kabilang building gusto magkasama pa, lagi niya ako hinahatid sa bahay tuwing ginagabi kami, kilala siya ng mga magulang at kapatid ko pero kailanman ay hindi sila nag isip ng kung ano ang meron samin dahil pareho kaming lalaki, pamilyado siya at ako walang jowa, single pero may pinopormahan naman. Alam lahat ng tao rito sa opisina kung gaano kami ka-close, as in super close.

Nung Martes, araw na kung saan binigyan niya ako ng ulam, sinabi ko sa kanya, napakasarap nito, maipagmamalaki talaga kitang bilang kaibigan, sumagot siya, siyempre, ganun talaga ang magkasanggang dikit. Masaya ang may best friend at kasanggang dikit pero matapos lang ang araw na iyon, nag iba na ang lahat.

Gabi ng miyerkules, habang nasa biyahe ako, tinext ko siya,
Ako: Pare wag ka na magluto bukas, ako na magdadala ng pagkain natin bukas, magpahinga ka na lang din.
Siya: Opo tay'

Kinabukasan, tinext ko siya na kunin niya ang pagkain sa akin, pero ang reply niya: sayo na yan, pinagbaon ako ng asawa ko.
Ako: ha? may baon din ako, di ko mauubos lahat ng ito.
Siya: Sige mamayang gabi na lang yan.
Ako: ok

Nakita ko siya, kausap ang driver, mukhang may problema siya doon sa isa pa niyang kasamahan, Narinig ko yun pero hindi ko alam kung tungkol saan yun, umupo ako at tinanong siya.
"Pre, ano problema"
Siya: Wala, wag mo ako kausapin.

Kinahapunan ng miyerkules, nakita ko siya, kinukwento ang kanyang problema sa mga barkada niya, siyempre ako napaisip, bakit ganun? ako ang kasanggang dikit niya diba? bakit sa akin di niya makwento yung problema niya samantalang sa ibang barkada niya nakwento niya.

Pagkatapos nila magkwentuhan, tinext ko siya, sabi ko, pre kain na tayo.
Siya; Ayoko pre kumain na ako
Ako: ha? teka masisira yung pagkain
Siya: gusto mo kami na lang ni C (nagsisimulang letter ng pangalan ng isa pa niyang barkadang lalaki) at ikaw kumain nito
Ako: Sige, kayo na lang kumain (napaisip ako, pagkain ko yun e)
Siya: Sige kami na lang kakain.

Nu'ng uwian na, tinext ko siya ng tinext, sabi ko umiiwas ka ba? tinatawagan ko subalit hindi siya sumasagot. Sinabi ko rin sa text na yung Helmet, isasauli ko na dahil hindi ko naman na magagamit yun at umiiwas ka. sunod sunod ang text ko subalit walang reply at sagot sa tawag.

Kinabukasan, Huwebes, di ako pumasok, umaga, nagreply siya.
"Pareng J, itigil mo na yang mga text mo, pinag away mo lang kami ng asawa ko, nabasa niya mga text mo, itigil mo na yan at lalo lang ako mapipikon sayo"
Nagsorry naman ako siyempre.

Kinahapunan, tinawagan ko siya, buti sumagot, itigil na raw namin (friendship) pero ako ayoko, gumawa ako ng way para makausap ko siya ulit,
dinahilan ko yung ka-trabaho niyang pinoproblema niya pero nasigawan lang ako.

Friday, pumasok ulit ako, nagpabili yung boss niya ng lugaw sa akin, before, kapag yung boss niya nagpabili sa akin, matik yun, bibilhan niya rin ako ng lugaw, kaya naisipan kong bilhan siya ng lugaw at pinaiwan ko dun sa lobby guard, nung tinawagan ko yung guard, kinuha naman daw at nagpasalamat pero pagbaba ko ng telepono, nagtext siya, hay naku, may baon ako, kunin mo na to dito. edi siyempre hindi ko na kinuha, pinamigay ko nalang dun sa guard mismo. Medyo napahiya lang ako. After nun hindi na kami nag usap.

Saturday morning, nagkita pa kami,naiinis daw siya sa akin dahil ang kulit ko raw at na-tsitsismis daw siya sa ginagawa ko na may relasyon kami which is meron naman talaga bilang magkaibigan. Tinanong ko nga mga ka-trabaho ko at sabi nila mukha raw kami mag ama at natutuwa sila dun. Btw, 36 years old na siya at 22 lang ako. pero na-attach ako sa kanya bilang kaibigan dahil mabait talaga siya, naiiba siya sa iba pa niyang mga kasamahan.

Humingi na ako ng payo, lahat sila pareho lang ng sinabi, lumayo na ako at tigilan ko na siya, pero ang nararamdaman ko gusto ko pa rin siyang i-treasure, gusto ko pag kinasal ako, siya ang best man. pero mukhang malabo ng mangyari yun dahil hindi naman niya ako kinakausap. Ano ba ang dapat kong gawin?

Comments

Popular posts from this blog

PINOY SPAGHETTI (Recipe)

PAGTITINDA NG GULAY AT PRUTAS, TALAGANG MABENTA!

IBA’T-IBANG URI NG MAKINA O ENGINE PARA SA SASAKYAN