SIKAT NA MERYENDA TUWING TAG-ULAN
Tag-ulan na
naman, kaya uso na naman ang baha lalo na sa metro manila at kalapit na
probinsya, at siyempre kapag tag-ulan, malamig ang panahon at hinding-hindi
mawawala ang mga patok na meryenda.
Ang mga sikat na meryenda ay ang
mga sumusunod, banana cue, kamote cue, turon, palamig na inumin panulak at
marami pang iba.
Patok na patok ito lalo na kapag
bagong luto, mas masarap kainin at sabayan pa ng slow music at siguradong
masarap na masarap ang tag-ulan mo.
Isa ring patok na meryenda tuwing
sasapit ang tag-ulan ay ang lugaw, ang lugaw na hindi lamang ito para sa mga
may sakit, puwede rin ito sa mga gusting magpainit.
Ang lugaw na ito ay puwedeng
partneran ng lumpiang toge, nilagang itlog, tokwa na samahan pa ng masarap na
suka, ang ilan nilalagyan din ito ng ilang laman loob tulad ng dugo at
siyempre, sino ba naman ang hindi matatakam sa lugaw na may kasama pang adidas
o ‘yung paa ng manok.
Budburan lang ito ng kalamansi,
patis, paminta, bawang at sang, siguradong patok na patok na ito sa inyong mga
panglasa.
Isa ring inaabangang meryenda
ngayon ay ang walang katapusang hamburger, halos lahat ng sulok sa ating bansa
ay may burger stand at nagtitinda sa napakamurang halaga.
Kilalang-kilala pa rin naman ang mga tusok-tusok o ihaw-ihaw na pang meryenda, bukod sa pagiging street food, mas mabenta ito tuwing sasapit ang tag-ulan basta’t lagi lamang mainit at bagong luto ang kwek-kwek at kikiam at siguraduhing malinis lamang ang isaw at iba pa.
Siyempre, bukod sa almusal,
masarap din na meryenda ang malalambot at malalamang tinapay, kabilang na ang
iba’t-ibang uri nito tulad ng putok, ensaymada, cookies, cheese bread at
napakarami pang iba.
Kaya saan ka pa, dito sa
Pilipinas, basta’t may mabibilhan, siguradong kikita ka ng limpak-limpak.
*Photo credit to Pilipinas Recipes
Comments
Post a Comment