TOKWA’T BABOY SA TAUSI (recipe)

Madalas ipulutan, ito ang laging unang isasambit tuwing maririnig natin ang pagkaing Tokwa’t Baboy, bukod kasi sa sisig, paboritong pulutan ng mga lasinggero’t lasinggera ang tokwa’t baboy na isasawsaw lang sa suka at ayos na at bagay na bagay na sa pampainit ng inuman.
                Sabi ng iba, bagay talaga sa isa’t isa ang Tokwa at ang Baboy, ano nga ba ang meron sa mga ito na pati ang mga nag-iinuman ay ito ang hinahanap-hanap? Ang tokwa kasi ay mayaman sa protina at calcium na nagpapatagal at nagpapalakas sa mga tagayan, nagpapalasa at nagbibigay naman ng sarap ang baboy dito.
                Pero alam niyo ba na hindi lang pulutan ang tokwa’t baboy? Madalas din itong gawing ulam sa mga restaurant at kahit sa lutong bahay lang. Sinasamahan ito ng Tausi, ang tausi ay isang black beans na binuburo upang lumabas ang sarap at lasa nito, ito ay nagbibigay din ng aroma at nagdadagdag ng flavour sa kung anung ulam na lalagyan nito.
MGA SANGKAP
Baboy (Hiwain ng pa-cubes)
Tokwa (Hiwain ng pa-cubes)
Tausi
Kinchay (Hiwain ng pino)
Bawang at Sibuyas
Mantika
Tubig
Toyo
PARAAN NG PAGGAWA
Una munang iprito ang tokwa, kapag katamtaman na ang kulay, ihiwalay na ito sa kawali.
                Sa parehong kawali, igisa ang bawang at sibuyas sa kaunting mantika hanggang sa mamula ito, kapag naigisa na, isama na rin ang baboy at ang tausi.
                Lagyan ng tubig at toyo pagkatapos igisa ang bawang, sibuyas at baboy at saka ilagay ang kinchay.
                Sa tuwing natutuyo na at hindi pa malambot ang baboy, patuloy itong dagdagan ng tubig upang lumambot at lumabas ang lasa ng baboy. Ilagay na rin ang tokwa kapag malambot na ang baboy at maaari na itong ihain.

                Napakadali lang lutuin at ng mga sangkap nito, basta’t tandaan, ang tokwa, hindi lang ito ginagawang expression ng karamihan tuwing sila ay magugulat, maaari itong ulamin at ipulutan.

Comments

Popular posts from this blog

PINOY SPAGHETTI (Recipe)

PAGTITINDA NG GULAY AT PRUTAS, TALAGANG MABENTA!

IBA’T-IBANG URI NG MAKINA O ENGINE PARA SA SASAKYAN