50 DAYS WITH JENNY (SHORT STORY) - PART 4

“Ano ba ang nangyari? Gumaling na ang tatay ko pero parang nagluksa ka naman diyan, at ano nangyari sa braso mo?” – “Masaya lang ako para sa tatay mo, at masaya rin ako kasi kinakausap mo na ako”
Bumalik si Johnny sa kanyang puwesto at tinanong nito si Ryan kung may problema ba si Jenny. “Binubugbog kasi siya ng Boyfriend niya eh, matagal ng nangyayari iyon pero hindi niya ito maiwan dahil mahal niya, mahal na mahal niya!”
Natahimik si Johnny sa kanyang narinig at agad bumalik sa kinapupuwestuhan ni Jenny. “Alam mo Jenny, hinding-hindi kita sasaktan” – sambit ni Johnny, napangiti lang si Jenny sa kanya at sinabing “alam ko naman iyon eh, ako lang naman ang nananakit sayo eh” – “Kailan mo ko sinaktan? Kahit saktan mo ako, tatanggapin ko ‘yon dahil mahal kita”.
“Hindi” – sambit ni Jenny ng biglang sumingit si Johnny “Ako, hindi ako naniniwala sa love is blind, dahil ang pagbubulag-bulagan sa pagmamahal ay isang katangahan, ang pagmamahal ay maitutulad sa isang puno, dahil ang puno kapag pinutol, hindi man nito nakita kung sino ang pumutol sa kanya, buong kalikasan naman ang maghihiganti para sa kanya, isa lang ang taong iyon, pero ang naghiganti sa kanya marami, dahil marami ang nagmamahal sa isang indibidwal” tuloy pa niya “’wag mong ibigay lahat sa kanya kung nasasaktan ka na? Jenny, isipin mo ang mga katagang iyan, narito kaming lahat para sa iyo, narito ako para sayo”
Natapos ang araw, napakagandang sunset, mahangin, malamig sa kalsada at puno ng katahimikan ang paligid.
Nakipagbreak si Jenny sa kanyang boyfriend at nagpakaisa muna.
31st day – 36th day: Nag-leave of absence si Jenny, kaya naman kinalulungkot ni Johnny na hindi niya ito nakikita sa opisina.
37th day: nagbalik si Jenny mula sa pagkaka-leave. Sinalubong siya ng mga katrabaho, “kamusta na Jenny? Nakamove-on ka na ba?” – Banggit ni Leah, isa sa mga matatalik niyang kaibigan sa office – “Oo naman, ako pa!” – ani ni Jenny “Sagutin mo na kasi si Johnny, mabait na, masipag pa, nasa kanya na ang mga katangiang hinahanap mo” – “Ano ka ba? Mas matanda ako diyan, saka paano mo naman nalaman na nanliligaw?” – “Anong matanda? Eh isang taon lang naman. To be exact, 11 months lang naman, saka halata namang nanliligaw sayo iyan”
38th day: habang nag eencode si Johnny, tinabihan siya ni Jenny. “Alam mo ba, yung punong sinasabi mo?” – “Huh? Anung Puno iyon?” – Ani ni Johnny, “yung puno, hindi siya naputol na kahit nino man, naging matatag siya at ginawa ang tama, naging matatag siya na kahit nasasaktan na siya, ‘di siya nagpaapekto sa nararamdaman niya, pero tama ka, kasi yung puno, sobrang daming tumulong sa kanya upang baguhin ang kanyang pagkakamali” – Mahinahong mga salita ni Jenny.

Napangiti si Johnny at sinabing “So, tayo na?”, tumango si Jenny at napangiti ito at agad namang tumayo si Johnny “Ma’am, sir, ah kahit du’n sa mga nag aapply, may sasabihin ako sa inyo – sinagot na ako ni Jenny, sa wakas!”

Comments

Popular posts from this blog

PINOY SPAGHETTI (Recipe)

PAGTITINDA NG GULAY AT PRUTAS, TALAGANG MABENTA!

IBA’T-IBANG URI NG MAKINA O ENGINE PARA SA SASAKYAN