50 DAYS WITH JENNY (SHORT STORY) - PART 1

Required sa practicum ni Johnny na mag OJT sa isang kumpanya upang makagraduate agad sa susunod na semester. 400 Hours ang required hour’s nila ito ay katumbas ng limangpu’t araw na kailangan niyang bunuin upang matapos ang internship, ang 400 hours ay kabuuan lamang ng dalawang buwan saw along oras na pasok araw-araw.
                Nagpaalam si Johnny sa kanyang Ina na maghahanap muna sya ng pag oojt-han ngayong araw. Si Johnny ay isang Information Technology student sa isa sa mga sikat na unibersidad sa bansa, ang Adamson University. Nag apply si Johnny sa isang sikat na IT company sa bansa upang ipamalas ang kanyang kakayahan sa larangan ng computer programs.
                “Sir san po ba maaaring magpasa ng resume for OJT?” Ani ni Johnny. Pinapunta siya ng guard sa HR Department upang makapagpasa ng resume, may nakita siyang kakaiba, nakita niya ang isang empleyado, maganda at kaakit akit at mukhang kaedad niya lang din. “Jenny, pa-assist muna itong nag-aapply for OJT” ani ng HR Director “ah sige po” ani ng magandang binibini. Natulala si Johnny ng tanung-tanungin siya ng dalaga.
                Matagal ng walang karelasyon si Johnny ng matapos siyang hiwalayan ng dati niyang girlfriend na nangloko sa kanya. Simula noon, naging maingat na siya sa mga babae subalit di niya pa ring mapigilang matukso sa mga kababaihan.
                “Anu’ng pangalan mo?” “Johnny Peter Reyes po, incoming 4th year student po from Adamson University, Nakatira po ako sa Makati, I love playing basketball at mahilig akong manood ng TV, tumutugtug din ako ng gitara, ayun po” Natawa si Jenny sa kanya “Grabe, tinanong lang kita kung ano ang pangalan mo, sige tatawagan ka na lang naming 2 to 3 days para sa orientation mo.”
                Habang nakahiga at nanonood ng telebisyon ay nakatanggap siya ng tawag “Hello, good afternoon, this is Jenny from this company, are you Johnny Peter Reyes?” nagpatuloy ang konbersasyon ng sabihan ni Jenny na maaari ng magstart kinabukasan si Johnny pagkatapos ng orientation at doon magsisimula ang kanyang unang araw kasama si Jenny.
                First Day: Kabado si Johnny sa kanyang unang araw sa pag oojt, tinuro sa kanya kung anung department siya, gusto ni Johnny na mapunta na lang siya sa HR, marami rin kasing mga bagay na related sa kurso niya, ‘iyon ang kanyang iniisip. Higit pa roon, gusto niya ring makasama si Jenny sa trabaho. Habang naghihintay, sinabihan siya ng endorser at recruitment na wala ng bakante sa IT Department kaya kung maaari na roon na lamang siya sa HR mag OJT dahil wala silang OJT doon.

                Second Day: Nagsimula na siyang magtrabaho kasama ang crush niyang si Jenny bilang OJT. Tinuruan siya ni Jenny kung ano ang mga dapat niyang gawin, tulad ng pagpapaphotocopy, pagpapaprint, pagpafile ng mga documents at marami pang iba.

ITUTULOY...

Comments

Popular posts from this blog

PINOY SPAGHETTI (Recipe)

PAGTITINDA NG GULAY AT PRUTAS, TALAGANG MABENTA!

IBA’T-IBANG URI NG MAKINA O ENGINE PARA SA SASAKYAN