PINAKASIKAT NA TINDAHAN NI ALING NENA (TIPS)

Pabili, pagbilan – ano ‘yon? Ilan lang ang mga katagang iyan na palagi nating maririnig sa tindahang kahit saang kanto ay mayroon, daig pa nito ang grocery store na ikaw mismo ang maghahanap ng bagay na iyong bibilhin bagkus may tinderang nakaabang para ibigay ang iyong binibili.
                Ang tindahang ito ay ang Sari-sari store, bakit nga ba ito tinawag na sari-sari? Dahil ang mga paninda rito ay sari-sari, may de lata, junk foods, sabon, instant noodles at iba pang kakailanganin natin sa ating mga kabahayan, ang salitang ito ay katulad lamang ng iba-iba.
Alam niyo ba na ang Sari-sari store ay matatagpuan lamang sa Pilipinas? At karamihan ng mga nito ay nasa tabi lang ng kalye, tapat ng kalsada, harapan lang ng bahay na kadalasang suki ang mga kapitbahay.
                Kaya kung ikaw ay may magandang puwesto, o nagbabalak ng ganitong uri ng negosyo, bakit di mo i-try? Di ka na aalis ng iyong bahay, kikita ka pa. At dapat, ay matiyaga kang maghihintay ng customer na sisigaw ng “pagbilan” o “pabili”.
                Simple lang naman ang mga dapat mong ilagay sa iyong Sari-sari store, unang-una na ang basic commodity ng mga Pilipino o ng tao tulad ng bigas, at iba’t ibang uri ng ulam at inumin. Isama na rin ang mga sabon, tooth paste, shampoo, magsama rin ng mga paboritong ngatain ng mga bata tulad ng candies, junk foods at iba pa.

                Malaki rin ang naitutulong ng mga Sari-sari store sa pangkalahatang ekonomiya ng bansa, dahil ang kinikita ng mga Sari-sari stores sa buong bansa ay nakakadagdag sa GDP o Gross Domestic Product rate sa Pilipinas. Halos lahat din ng mga Pilipino ay bumibili sa tindahang halos kumpleto at mabibili na ang lahat ng inyong mga pangangailangan. Kaya ano pa ang hinihintay niyong lahat, pag may pagkakataon, gumawa ng negosyo na tatapat sa kasikatan sa tindahan ni Aling Nena.

Comments

Popular posts from this blog

PINOY SPAGHETTI (Recipe)

PAGTITINDA NG GULAY AT PRUTAS, TALAGANG MABENTA!

IBA’T-IBANG URI NG MAKINA O ENGINE PARA SA SASAKYAN