EGGS EVERYDAY!

Alam kong healthy ang itlog pero kung every day, ayun ang hindi ko alam, basta ang alam ko, my favorite dish every morning is scrambled egg na itinitinda sa canteen namin sa office. So, every morning eggs ang almusal ko, may nagsabi kasi sa akin na healthy at maganda sa katawan ang itlog kung araw-araw itong kakainin tuwing umaga. Pero we all know naman na everything should be in moderation, kaya naman kanina, hindi na scrambled egg ang breakfast ko, tortang talong at meat loaf naman na kinover sa itlog. Hahaha.

Pero ano nga ba ang magandang epekto ng itlog sa ating katawan kung araw-araw itong kakainin? Ayon sa aking pagsisiyasat, ito ang mga datos na aking nakuha.

1. Inirerekomenda ito ng mga doktor dahil sa mga magandang nutrisyon at napakaraming bitamina tulad ng Vitamin A, D, E, K, B6, B12 at may Thiamin, Riboflavin, folate, Betaine.
Nutritional Facts Eggs

2. Ngunit napakaraming cholesterol na matatagpuan dito, maihhalintulad ang taas ng cholesterol nito sa seafoods, atay at iba pang pagkain na may mataas na bilang nito, ngunit, subalit, dapatwat - ang cholesterol umano rito ay hindi direktang tumatama sa ating mga internal organ tulad ng ating puso at atay.

3. Dahil sa sobrang daming pwedeng gawing luto sa itlog, aba talaga namang matatakam ka, nariyan ang scrambled egg, fried, sunny side, tortang talong, pouched at marami pang iba. Kaya ang ilan ay nirerekomendang kumain nito ng tatlong beses sa isang araw. Subalit hindi ito recommended sa mga may sakit sa puso.

Comments

Popular posts from this blog

PINOY SPAGHETTI (Recipe)

PAGTITINDA NG GULAY AT PRUTAS, TALAGANG MABENTA!

IBA’T-IBANG URI NG MAKINA O ENGINE PARA SA SASAKYAN