50 DAYS WITH JENNY (SHORT STORY) - PART 2

Third Day: Bored na bored na si Johnny sa kanyang mga ginagawa pero okay lang ito para sa kanya dahil nakikita niya naman ang kanyang crush.
                Fourth Day: Birthday ni Johnny ngayon, hindi niya ito sinasabi sa mga kasama niya sa office dahil sa nahihiya siya subalit may biglang bumati sa kanya. “Happy Birthday to you!” napalingon si Johnny kung sino ang bumati sa kanya upang magpasalamat agad “Thank you” tugon naman ni Johnny ng maglulat naman siya na si Jenny pala ang bumati. “Paano mo nalaman?” tanung ni Johnny na medyo kinikilg pa sa kanyang boses. “Edi sa Resume mo! Mamaya, icelebrate natin yang birthday mo” sagot ni Jenny, Ngumiti na lamang si Johnny at namumula na lang dahil kinakausap siya ng crush niya.
                Kinagabihan sa office, mga 7 ng gabi, pauwi na siya, may dumating na cake para sa kanya at doon na sila nagsimulang magcelebrate. Doon na rin siya naging kumportable kay Jenny na agad niyang naging kaibigan.
                Fifth Day: Dahil sa Hangover at sobrang kagalakang nangyare noong huling gabi, ‘di niya napansin ang oras “Patay, late na ako”. Agad itong nagmadali at pumasok, pagdating sa office, isang oras siyang late, pero walang bago sa mga ginagawa niya pero para sa kanya hindi na ito boring dahil magkaibigan na sila ni Jenny.
                Sixth Day to 10th day: Walang bago sa kanyang mga ginagawa sa office, ang hindi lang bago sa kanya ay ang lagi silang magkausap ni Jenny sa kung anu-anong bagay na kanya namang ikinatutuwa.
                11th day: Dahil sa kilala na si Johnny sa HR as OJT, inutusan siya na mag interview para sa mga nagaapply din for internship. Formality lang naman ang kailangan sa interview kaya kayamg-kaya na niya ito. Doon, nakilala niya si Erika, isang computer science student na kapareho ng kanyang school na pinapasukan.
                12th day: Birthday naman ni Jenny, hindi ito alam ni Johnny kaya naman nagtampo sa kanya si Jenny dahil hindi niya ito nabati.
                13th day – 20th day: Balik sa dating gawi, subalit isang gabi, habang pauwi, nadulas si Johnny “Alam mo ba? Crush kita, una pa lang kita nakita, yun na ang naramdaman ko para sayo, nahuhulog na nga ako sayo eh.” Natahimik na lang si Jenny at sinabing “bata ka pa, marami ka pang makikitang mas maganda, mas sexy at mas matalino kaysa sa akin” – “ikaw ang gusto ko!” singit ni Jenny na nagpatahimik sa buong paligid.

                21th day: Nagkakailangan na si Jenny at si Johnny sa Office at halos din a sila nag-uusap kumpara nung nakaraan na lagi pang magkasama. Nang may biglang tumawag kay Johnny “Johnny, puwede ka bang umuwi ngayon? Nasa Ospital ang tatay mo, inatake ng stroke” Agad itong pinuntahan ni Johnny at doon na nagpalipas ng gabi. Habang naghihintay ng oras si Johnny, nakatanggap siya ng tawag, si Jenny, “Sorry ah, ‘di kita pinapansin kanina, ikaw kasi eh, pero nagprapray ako n asana gumaling na ang papa mo” – Ika ni Jenny. Di na nakasagot si Johnny dahil sa sobra pa rin itong nag aalala sa kanyang ama, ng biglang tumulo ang luha nito.


ITUTULOY...

Comments

Popular posts from this blog

PINOY SPAGHETTI (Recipe)

PAGTITINDA NG GULAY AT PRUTAS, TALAGANG MABENTA!

IBA’T-IBANG URI NG MAKINA O ENGINE PARA SA SASAKYAN