CARINDERIA: MURA NA, SULIT PA (Pangkabuhayan Tips)

Mura, abot kaya at talaga namang nakatitipid ang mga gutom na sikmura sa karendirya, kya simulan na itong inegosyo upang may mapagkakitaan ngayong panahon ng tag gutom.
                Patok na patok ang mga karendirya lalong lalo na sa mga driver, mga busy sa trabaho at kahit ang mga nagtitipid na mga estudyante. Parang restaurant din ang menu at ang mga putahe na maaaring pagpilian. Laging present sa pagpipilian ang menudo, sinigang, nilaga, kung anu-anong gulay, pritong isda, lutong manok at marami pang iba.
                Saan nga ba nagmula ang konsepto ng carinderia? Ang carinderia ay inintroduce sa atin ng mga Espanyol na kung saan nagging patok na patok sa panlasa ng mga Pilipino. Kaya saan pa? Kahit saang kanto ng ating bansa ay mayroong carinderia, kaya halina’t magtayo nito.
                Maraming mga factor na kailangan isaalang-alang kapag magtatayo ng carinderia. Una, kailangan alamin ang gusto o hilig na ulam ng mga Pilipino. Pangalawa, alamin kung saan maaaring magtayo ng puwesto, tiyakin na matao. Pangatlo, Higit na alamin kung sino ang mga mamimili kung saan maaari kang mag-adjust sa presyo, kung ito ay mga empleyado, estudyante at iba pa. At higit sa lahat, dapat marunong magluto ng mga putaheng paborito ng mga mamimiling Pilipino tulad ng Adobo, Sinigang at Nilaga. Mahalaga rin na magluto ng mga masasabaw na putahe, marami kasing mamimili na humihingi nga libreng sabaw.
                Importante rin na dapat marunong humawak ng negosyo ang isang mamumuhunan, mabilis lumago ang negosyo sa ganitong pamamaraan subalit mabilis din itong malugi kung ito’y hindi mapangangalagaan.
                Kaya mga kababayan, tayo na’t kumain sa mura na at sulit pang Carindera, may libre pang sabaw.

                

Comments

Popular posts from this blog

PINOY SPAGHETTI (Recipe)

PAGTITINDA NG GULAY AT PRUTAS, TALAGANG MABENTA!

IBA’T-IBANG URI NG MAKINA O ENGINE PARA SA SASAKYAN