50 DAYS WITH JENNY (SHORT STORY) - PART 3
“Mahirap talaga magmahal no? Lalo
na kapag ang taong minamahal mo ay naghihirap ngayon sa isang karamdaman na
hindi mo alam kung magigising pa siya o hindi na, ngayon, hindi ko na alam ang
kapalaran ng buhay” – Singit pa ni Johnny. Sumagot naman si Jenny sa kanya at
sinabing “Alam mo, ang kapalaran ng buhay ay hindi hinuhulaan, dahil ang
kapalaran, ginagawa ‘yan at pinaghahandaan”
Paputol
na sumagot si Johnny “Bakit? Hindi ko naman pinaghandaang mahalin ka ah, pero
mahal pa rin kita, mahal na mahal pero ikaw hindi mo kaya” – “Di puwede Johnny,
may mahal akong iba”
Agad
pinutol ni Johnny ang usapan at napaiyak na lamang sa kanyang narinig, sa
isip-isip niya, napakalupit ng mundo, malupit ito lalo na sa mga damdaming
nasasaktan, naisip niya rin na napaka unfair ng buhay.
21th
day midnight – 22th day: Hindi makatulog si Jenny, tanung niya sa sarili, tama
ba ang ginawa niya, lalo niyang nasaktan ang damdamin ng iba, kaya naman labis
na konsensya ang kanyang nadarama. “Dapat kasi di ko muna sinabi yung bagay na
iyon!” – bulong ni Jenny sa kanyang sarili
22th
day: Nagulat si Jenny sa kanyang nakita sa kanyang pagpasok, si Johnny,
nagtratrabaho at nag eencode na ng files.
“Ah, Johnny,
puwede ba akong bumisita sa papa mo? Dapat di ka na lang muna pumasok” – Ika ni
Ryan (Kasamahan nila sa HR) “Ah, okay lang ako, kailangan ko na kasing matapos
para wala na akong poproblemahin” – “Ah ganu’n ba? Sige bisita kami sa Papa mo,
kami-kami ”, “Oo naman” – Sambit ni Johnny na may ngiti sa labi.
Nakabisita ang
lahat ng katrabaho niya bukod kay Jenny, hanggang ngayon kasi ay nagiguilty pa
rin ito sa kanyang nagawa.
23th day:
Naunang dumating sa opisina si Jenny at sumunod naman si Ryan. “Jenny, ‘bat
hindi ka sumama kagabe?” – “Inuubo kasi ako” – sagot ni Jenny ng biglang
bumukas ang pinto, si Johnny. Tuloy-tuloy ito sa kanyang puwesto at hindi na
bumati ng Good morning kay Jenny, bagkus, kay Ryan ito bumati. “Aba, parang
walang problema ah” – Nakangiting sambit ni Ryan, ngumiti lang din si Johnny at
binabati nito lahat ng dumarating sa opisina pati sa kanilang boss, madalas
itong ginagawa ni Johnny subalit hindi niya nakalilimutang batiin si Jenny.
24th
day – 29th day: patuloy pa rin si Johnny sa kanyang pagpasok kahit
nasa Ospital ang kanyang ama, wala namang bago sa kanyang mga ginagawa.
Subalit, may napansin ang mga katrabaho ni Johnny sa kanya, naging tahimik,
seryoso at hindi umaalis sa puwesto na ikinagulat nilang lahat.
30th
day: Ang balitang sobrang nagpasaya kay Johnny, nakarecover na ang kanyang ama
sa pagka-stroke, kaya naman masaya itong pumasok sa opisina subalit nakita niya
si Jenny na malungkot, naluluha at may pasa sa kanang braso. Nilapitan niya ito
at binigyan ng panyo, “maraming salamat” – gumagaralgal na tono ng boses ni
Jenny.
ITUTULOY...
Comments
Post a Comment