BANANA CUE, CAMOTE CUE, TURON! (tips)
Matamis, panghimagas at talagang
paborito ng karamihan tuwing tag ulan lalo na kung ito’y bagong luto, ano nga
ba ang sikreto sa masarap na mga meriendang ito? Alamin kung bakit patok na
patok ito sa mga de karitong at de tulak na tindahan, lako o puwesto sa mga
kalye ng iba’t ibang dako ng bansa.
Masayang
inegosyo ang pagtitinda ng banana cue o banana q, Camote cue at turon sapagkat
karamihan ng mga Pilipino ay kumakain nito. Maaari mong ibenta sa halagang
sampung piso sa kada stick o tuhog na may dalawa hanggang tatlong piraso ng
saging. Sa pagtitinda ng mga ito, kinakailangan mo lang ng maraming mantika at
asukal na pula at manibalang (kahihinog pa lang) na saging nang saba. Sa camote
cue naman, ang dapat na gamiting kamote ay ang Kamoteng gapang (dipende sa
kulay, may kulay ube, puti at dilaw), kadalasan itong nakukuha sa ilalim ng
lupa. Tiyak na malaki ang tutubuin dito ng isang mamumuhunan basta’t may tiyaga
at maging pasensyoso sa paghihintay ng mga customer.
Sa
pagluluto nito, kailangan lang na sobrang init ng mantika bago ilagay ang
saging na saba, siguraduhing luto na ang saging bago ilagay ang asukal para
madali itong dumikit sa saging. Ganu’n din ang pagluluto sa Camote cue at sa
turon, ang kaibahan lang sa turon, ginagamitan ito ng shanghai wrapper.
Sa
mga probinsya naman, karamihan ng mga nagtitinda nito ay nilalako, o
nagbabahay-bahay upang may madaling maubos ang mga panindang merienda. Sa
kamaynilaan naman, karamihan ng mga nagtitinda nito ay nasa kariton na
pumupuwesto sa mga matataong lugar sapagkat ang banana cue, camote cue at turon
ay pagkaing Pinoy na kailanma’y hindi mawawala sa ating mga isipan.
Ang
banana cue ay maituturing na isang street food na talaga namang kinahuhumalingan
ng mga Pilipino. Ayon sa isang blogspot, ang Banana cue ang pinakamabiling
street food o pagkaing kalye sa buong Pilipinas, kaya anu pa ang hinihintay
ninyo? Magnegosyo na ng pinakamabiling merienda na magpapatakam sa sikmura ng
mga Pilipino, samahan mo na rin ng Camote cue at turon at ng panulak na
samalamig.*Aboutfilipinofood.com
Comments
Post a Comment