PAGTITINDA NG GULAY AT PRUTAS, TALAGANG MABENTA!


Jericho Paul De Guzman
PAGTITINDA NG GULAY AT PRUTAS, TALAGANG MABENTA!
                Masustansiya, masarap at mainam sa kalusugan, iyan ang mga katangiang tinataglay ng karamihan sa ating mga prutas at gulay na kung minsan ay hindi mabili ng mga pangkaraniwang mga Pilipino dahil sa patuloy na pagtaas ng demand at presyo nito.
                Subalit, marami ang mga sumusubok nakumita sa ganitong klaseng hanapbuhay, dahil malaki rin naman ang kinikita rito lalo na’t kung may puwesto sa palengke o sa talipapa.
                Sa palengke at talipapa kasi karaniwang natatagpuan ang mga nagtitinda ng mga ganitong klaseng bilihin kaya kung kayo’y nagbabalak na magtinda nito, siguraduhin munang humanap ng magandang puwesto na tiyak na maraming tao.
                Sa Divisoria at iba pang malalaking palengke ang bagsakan ng karamihan sa mga gulay, gayun din sa prutas kaya tiyakin din na mayroon kayong makakatulong sa pagtitinda.
                Siguradong may kikitain sa ganitong klaseng pagtitinda basta’t maging masikap lamang at maging masipag ay tiyak na uusbong ang iyong negosyo.
                Karaniwang tinidindang gulay an gang Kangkong, sitaw, petsay, kalabasa, sili, sibuyas, kamatis, bawang, talbos, malunggay, repolyo, talong at marami pang iba.
                Kapag nakapagtayo na ng magandang tindahan at may puhunan na, importang mayroon ka ng mga suki na kung saan ay araw – araw ang pagbili sayo ng iyong mga paninda, humanda rinse tawaran dahil mahilig ang mga pinoy diyan.
                Basta negosyo, kailangan masikap at matiyaga upang asenso’y mabilis na matatamasa, simpleng gulay at prutas na maaari mong ikayaman.


Photocredit to Gramho.com

Comments

  1. Magkano po ang patong nyo sa mga gulay na paninda nyo sa talipapa?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Auon sa mga tinderang nakausap ko sa Talipapa, depende raw talaga ang patong nila ng presyo ng produkto base sa demand and supply nito at kung magkano nila nakukuha ang mga gulay at prutas sa kani-kanilang suppliers

      Delete
  2. Magkano bossing yung buwanan na kita? Kahit average?

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

PINOY SPAGHETTI (Recipe)

IBA’T-IBANG URI NG MAKINA O ENGINE PARA SA SASAKYAN