WITH A SMILE (SHORT STORY) - PART 1


WITH A SMILE
Ni Jericho Paul De Guzman
                Nag-aabang ng masasakyang jeep si Anna, isang call center agent sa isang madilim na kalye sa Cubao, alam ni Anna na delikado na ang ganung oras ng pag-uwi subalit ‘di niya kayang iwanan ang kanyang trabaho na bumubuhay sa kanyang buong pamilya at ang nagpapa-aral sa tatlo niya pang nakababatang kapatid. Hindi nakapag-tapos ng pag-aaral si Anna dahil sa kakapusan sa pera at pang matrikula, kahit naging scholar siya sa isang sikat na unibersidad sa Maynila ay hindi niya pa rin kinaya ang gastos sa pagkain, pamasahe at pangtustos sa kanyang mga project kaya naman naisipan nitong huminto na lamang at mag-trabaho.
                
                  Habang naghihintay ng masasakyang Jeep na rutang pa-Lagro at Fairview, nakita niya ang isang lalaking naka polo – shirt at kupas na maong at kahina-hinala ang mga kilos. Napatingin siya sa lalaki ngunit sa kanyang pagtingin, napatitig naman ang lalaki sa kanya, binigyan siya ng isang ngiting hindi niya malaman kung callboy ba ito o isang holduper pero hindi niya masigurado dahil madilim sa parting lugar na yun. Akmang palapit sa kanya ang lalaki dahilan upang siya’y kumaripas ng takbo. Napatigil ang lalaki at kinuha ang panyong kulay asul na may burda ng pangalan ni Anna. “Bakit kaya tumakbo si ate? Nahulog niya yung panyo niya” sabi sa isip ng lalaki.

               Habang nag-aayos papasok sa kanyang pinagtra-trabahuhan sa isang sikat company, nakita ni Aaron ang panyo sa bulsa ng kanyang pantalon, itatapon na sana niya ito ng bigala siyang napaisip. “Baka kailanganin pa ito ng babae na ‘yun, pero ano gagawin ko rito?” – Ibinalik ni Aaron sa kanyang bulsa ang panyo at nag-ayos na sa salamin. Inayos nito ang makapal na buhok at saka kinuha ang kanyang bag at umalis na ng kanyang bahay.

                UP graduate si Aaron sa kursong Civil Engineering, matalino subalit napaka-simple lang, at may pangarap sa buhay, mahirap lamang din ang pamilya ni Aaron pero dahil sa kanyang pagsusumikap at pagtitiyaga, nakatapos ito ng Suma Cum laude dahilan upang mabilis na nakahanap ng trabaho. Siya ang bunso sa labingdalawang magkakapatid at siya lang din ang nakatapos. Working student siya nung college, nag-aaral sa umaga at nagtra-trabaho sa isang sikat ng fastfood chain malapit sa kanyang paaralan tuwing gabi.

                “Oh my God!” sambit ni Anna sa kanyang kaibigan at trabaho na si Samby. “Di ko Makita yung panyo ko, yung may name ko” dagdag ni Anna sa kaibigan. “Baka naman naiwan mo lang sa bahay niyo” ika ng kanyang kaibigan, “kagabi ko pa hinahanap yun pag-uwi ko, kaya dito ko yun naiwan, sigurado ako!” Natatarantang sabi ni Anna. “Edi hanapin mo lang d’yan, busy ako” Sagot ni Samby. Paboritong-paborito ni Anna ang panyong iyon, bigay iyon ng kanyang ama na mayroon ng bagong pamilya, pinaburda pa ng kanyang ama ang kanyang pangalan sa panyong iyon nung ito’y ibinigay sa kanya. Kaya, kahit may galit at puot siyang nadarama sa kanyang ama, itinago niya ito dahil ito na lamang ang naiwang alaala ang kanyang ama simula ng ito’y umalis at hindi na bumalik. Walong taon pa lamang siya noon ng iwan sila nito dahil sa kahirapan, pang-apat siya sa anim na magkakapatid, ang dalawang panganay ay agad na nag-asawa. Tapos ang kanyang ama sa kursong engineering kaya naman lubos ang panghihinayang niya ng iwan sila nito. Mahigit 12 years na ang nakakaraan, hindi na niya maalala ang paglisan ng kanyang ama subalit ngayon ay labis ang kanyang paghihinagpis dahil lamang sa panyo. Mabuti na lamang at kuhaan ng sweldo ngayon kaya naman medyo nawala ang kanyang pagkalungkot.

Comments

Popular posts from this blog

PINOY SPAGHETTI (Recipe)

PAGTITINDA NG GULAY AT PRUTAS, TALAGANG MABENTA!

IBA’T-IBANG URI NG MAKINA O ENGINE PARA SA SASAKYAN