MAPAPA – UY SA CHOP SUEY (RECIPE)


Jericho Paul De Guzman
MAPAPA – UY SA CHOP SUEY

                Gusto mo ba ng pagkaing masustansya ngayong tag – ulan? Simple lang, masustansiya na, swak na swak pa sa bulsa, chop suey lang ang sagot diyan.
                The best ang gulay sa ating mga katawan, lalong lalo na sa mga bata, at higit na nakakatuwa sa tuwing makikita nating sarap na sarap ang mga chikiting sa pagkain ng mga gulay.
                Simple lang ang paggawa ng chop suey, may simpleng sangkap lang din, swak na sa bulsa, siguradong patok pa sa buong pamilya.
Chop Suey
(C/O: panlasangPinoy.com)

MGA SANGKAP
¼ na giniling ng baboy
¼ ng hibi (maliit na hipon)
Pinagsama – samang gulay o mayroon ding nabibiling gulay na sama – sama na per kilo
Carrots
Repolyo
Beans
Maliit na mais
Sayote
Pechay Baguio
Sibuyas at Bawang
Mantika
Oyster Sauce
Asin at paminta
Dalawang kutsara ng asukal
Corn starch
Dalawang baso ng tubig
PARAAN NG PAGLUTO
                Igisa sa mantika ang bawang at sibuyas, after magisa ng bawang at sibuyas, isama ang hibi at giniling na baboy.
                After magisa ng ilang sahog, ilagay na ang mga hiniwa – hiwang gulay at lagyan ito ng oyster sauce at pakuluan ito hanggang sa lumambot ang gulay.
                Lagyan ng tubig, at timplahan ng asin, paminta at asukal, at lagyan ng corn starch, maglagay ng maligamgam na tubig sa maliit na baso at ilagay ang corn starch sa baso at haluin ito bago ilagay sa nilulutong ulam para ito’y lumapot.
                Talagang mapapa – uy sa chop suey, sa napakasarap nitong lasa at nakatatakam na amoy, mapapa – uy ang buong pamilya.


Comments

Popular posts from this blog

PINOY SPAGHETTI (Recipe)

PAGTITINDA NG GULAY AT PRUTAS, TALAGANG MABENTA!

IBA’T-IBANG URI NG MAKINA O ENGINE PARA SA SASAKYAN