PRINTING SHOPS, MALAKI ANG KITA! (TIPS)


PRINTING SHOPS, MALAKI ANG KITA!
Ni: Jericho Paul De Guzman
CLICK, EDIT at PRINT – Digital na ang panahon ngayon, mismo ang paggawa ng math assignments ay printed at computerized na.
Karaniwang mga tapos sa kursong Information Technology, Computer Science, at Computer Engineering ang mga sanay sa ganitong negosyo, subalit kung may alam ka sa printing industries lalong – lalo na sa Adobe photoshop at Microsoft Office, maaari ka na ring mgtayo ng ganitong uri ng negosyo.
Tarpaulin, word document, poster,sticker, portfolio, ID pictures, calendars at marami pang iba, ito ang mga maaaring isama sa mga pagpipilian ng mga customer sa kanilang pagpapaprint.
Ayon sa isang tauhan ng isang printing shop na malapit sa kilalang unibersidad sa Maynila na mas mainam kung sa malapit sa pribadong o kahit sa pampublikong paaralan ang printing shop dahil mas mabenta.
Sa puhunan naman, dapat sapat ang inyong pera sa pambili ng computers at iba’t ibang uri ng printer, mayroon ka rin dapat ng mga mapagkakatiwalaang tauhan.
Makabubuti rin kung pang estudyante ang presyo ng mga produkto at serbisyong inaalok at ibinebenta tulad na lamang ng pagbibigay ng mga promo at package lalong – lalo sa ID pictures na may iba’t ibang sukat.
Huwag ding kalilimutang kumuha ng business permit tulad na lamang ng DTI permit at Baranggay permit upang mapatunayang legal ang pagpapatayo ng iyong negosyo.
Basta’t tandaan, sa bawat negosyong itinatayo at sa bawat produkto at serbisyong ibinebenta at iniaalok, may nakalakip na responsibilidad, at sa bawat responsibilidad na iyon ay ang pagtitiwala ng mga mamimili.
 Image result for printing shops philippines
(photo c/o; freeads.ph)

Comments

  1. Handiest Shopify totally supplies ecommerce web internet holding. every one of the various internet hosts listed right below likewise supply commonplace host alongside their ecommerce aspects. Author is an expert of print on demand, click here for more interesting information.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

PINOY SPAGHETTI (Recipe)

PAGTITINDA NG GULAY AT PRUTAS, TALAGANG MABENTA!

IBA’T-IBANG URI NG MAKINA O ENGINE PARA SA SASAKYAN