SARSIADO WITH FRIED TILAPIA (RECIPE)
SARSIADO WITH FRIED TILAPIA
Ni: Jericho Paul De
Guzman
Isa
na namang napakasarap na lutuing Pinoy ang matitikman na may pangunahing
sangkap ng kamatis, ayon sa answers.com, Ang
kamatis ay mayaman sa lycopene na kung saan ito ay pinakamabisang
anti-oxidants. Mayaman din ang kamatis sa Vitamin B, C, E at K na may kasamang
minerals, iron, copper at phosphorous gayundin ang protein, pantothetic acid at
niacin. Meron din itong tryptophan at folate.
Kaya naman sa sustansiya pa lang,
panalo na ang ulam na ito, tiyak na magugustuhan din ito ng mga bata dahil ang
sarsiado ay hinahaluan din ng pritong isda, bangus man o tilapia.
MGA
SANGKAP
Isang
kilong kamatis
Dalawang
puting itlog
Isang
kilong piprituhin na tilapia
Bawang at Sibuyas
Mantika (pangprito at pang-gisa)
Asin at paminta
Asukal
PARAAN NG PAGLUTO
Iprito
muna ang isda sa mainit na mantika, mainam na huwag tustahin ang isda dahil
ihahalo pa ito sa kamatis, pagkaprito nito, patuyuin muna ang mantika nito.
Igisa
ang hiniwa-hiwang kamatis sa bawang at sibuyas, igisa ito sa loob ng 20 minuto
upang lalong maluto ang kamatos, mainam din na linggis na linggis ito o yung
lutong-luto.
Lagyan
ng tatlong baso ng tubig at pakuluan, timplhan ito ng asin, paminta at asukal
upang magtalo ang lasa ng asim, alat at tamis.
Makalipas
ng sampung minuto, batihin ang itlog at ilagay na ito sa kumukulong kamatis, at
haluin, pagkahalo, isama na rin ang napritong tilapia at puwede na itong ihain
sa buong pamilya.
PHOTO C/O: PANLASANGPINOY.COM
Comments
Post a Comment