‘PAG MAY BAHA, MAY DAGA (HEALTH)


Jericho Paul De Guzman
‘PAG MAY BAHA, MAY DAGA
                Nakamamatay – ang daga ay mapaminsala sa tuwing mayroong baha ngayong tag ulan, kung saan-saan na naman mababalitaan ang baha rito, baha roon lalo na dito sa metro manila, ano nga ba ang dahilan kung bakit nakamamatay ang daga? Makamandag o madumi, ano nga ba ang Leptospirosis?
                Pinag-iingat ngayon ng mga awtoridad ang mga Pilipino sa paglusong sa baha lalo ngayong tag ulan. Sa Maynila kamakailan lamang, nabalitaan ang mga istranded estudyante at mga pasahero, karamihan, napilitang lumusong sa baha dahil sa pang matagalang trapiko na naranasan ng ating mga kababayan. Makikita sa litrato na kung paano nilusong nga mga tao ang maduming tubig sa ilalim ng taft ave corner UN sa Maynila, di nila alintana kung anung sakit ang maaaring makuha sa paglusong sa maduming baha.
                Ano ba ang mga sakit na maaaring makukuha sa maduming baha na lagging makikita at madadaanan sa kalakhang Maynila? Una na rito ang alipunga, ang alipunga ay isang sakit sa balat na kung saan nakukuha ng isang tao sa maduming paligid at tubig. Makati ito at mahapdi sa tuwing mahahanginan, at madalas din inaasar ang mga taong mayroon nito. Hindi ito nakamamatay subalit nakapipinsala ito sa balat ng isang tao, kaya maaaring magpakunsulta agad kapag mayroon nito.
                Ang isang sakit na madalas makuha ng mga tao sab aha ay ang Leptospirosis. Ano ang Leptospirosis? Ayon sa Kalusugan.Ph, ang Leptospirosis ay isang impeksyon na dulot ng bacteria na siya namang taglay ng mga hayop. Sa Pilipinas, mga daga ang karaniwang may dala ng sakit na ito. Ang leptospirosis ay isang serysong sakit, ngunit ito’y maaaring maiwasan at maagapan kung kaagad magagamot kaya pinapayuhan na kapag naramdaman na ang mga sintomas nito ay agad na magtungo sa malapit na Ospital.
Dahil napakaraming daga kahit saan, lalong lalo na sa mga syudad, tuwing bumabaha ay maaaring sumama rin sa tubig baha ang bacteria na galing sa daga. Ito rin ang dahilan kaya hindi kagulat-gulat na ang tag-ulan ay siya ring panahon na tag-leptospirosis.
Ang ihi ng mga daga na humahalo sa tubig-baha ang siyang may dala ng mga mikrobyo, na maaaring makapasok sa katawan ng tao sa pamamagitan ng mga sugat-sugat sa paa, binti, tuhod, o anumang bahagi ng katawan na nabasa o nalublob sa tubig-baha.
                Ang Pilipinas ay isang bansa na madalas ulanin, kapag umulan, kaliwa’t kanan ang baha, kaya noong taon 2009, pagkaraan ng bagyong si Ondoy ay napakaraming tao sa Maynila at iba pang lugar na nagkaron ng leptospirosis, dahil sa malakawang pagbabaha. Inaasahan ring umakyat ang mga kaso ng leptospirosis sa mga pagbabaha noong Agosto 2012.
Base pa rin sa kalusugan.Ph, ang mga sintomas ng Leptospirosis ay ang mga sumusunod;

§  Parang tinatrangkaso
  • Lagnat
  • Panginginig
  • Pananakit ng katawan (nangangalos)
  • Panakakit ng kasukasuan
  • Sakit sa ulo
  • Pananakit ng tiyan
  • pagsusuka
  • pagtatae
  • Paninilaw ng katawan
  • Mahapdi na pag-ihi
  • Ihi na kulay-tsaa
  • Kawalan ng ganang kumain
  • Binabalisawsaw

Kaya ibayong pag-iingat ang pinapayo, kapag may sugat sa paa, magpasyang huwag na munang lumusong sa baha, hintayin na lang itong humupa muna bago umalis sa kinalalagyan. Tandaan, mas importante ang buhay kaysa makauwi agad ng tahanan.
                Maging handa na rin sa mga susunod pang mga araw, dahil sa bansang ito, marami pang bagyo ang paparating sa atin bansa, ayon na rin sa PAG ASA o Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration na siyang nagsusuri sa mga bagyo, kung gaano kalakas ang ibubuhos nitong ulan, kung gaano kalakas na hangin at kung ano ang magiging direksyon ng bagyo, may mga malalakas pang bagyo ang paparating at nakakaapekto rin ang taglay ng hanging habagat na kamakailan lamang na nagpabaha sa karamihan ng pangunahing kalsada sa Metro Manila.
                Paulit-ulit na sinasabi ng DOH, mag ingat ngayong tag ulan lalo na sa mga sakit na maaari nating makuha rito. Sakit na maaari pa nating ikamatay, ugaliin ding maging malinis sa ating mga kabahayan dahil makatutulong ito upang maiwasan ang mga sakit ngayong tag ulan.
                May isa pang sakit na maaari rin makuha ngayong panahon ng pag uulan, ito ang Dengue., ang dengue naman ay nakukuha sa kagat ng lamot na carrier ng bacteria ng dengue. Paano ba nagkakaroon ng Dengue? Ang mga lamok kasi ay lumalagi sa mga naimbak na tubig lalo na ‘pag tapos ng ulan na kung saan naiipon ang tubig kung saan – saan.
                Ano nga ba ang dahilan ng pagbaha sa kalakhang maynila? Bakit ito madalas mangyari? Ayon sa mga lumabas na balita, dahil ito sa mga creek o estero na kung saan umaapaw tuwing tag ulan dahil sa basura. Di pa rin malaman sa ngayon ng mga awtoridad ang maaaring maging solusyon subalit gingawan na ito ng paraan.
                Maiiwasan ang mga sakit na ito kapag naaalis na ang mga pangunahing problema na kinahaharap natin sa ngayon tulad ng pagbaha. Paano ba ito matutuldukan kung ang mga mamamayan mismo ang nagpapabaya. Hindi sapat ang pagsasalita lang, hindi sapat na umaksyon kapag may namamatay na, hindi sapat na magpaalala kung may nagkakasakit na at lalong hindi sapat na magbigay ng inpormasyon kung hindi naman nauunawaan. Mabuting ipaalam sa mga mamamayan na ang mga sakit na makukuha sa pagbaha tulad ng Leptospirosis, hindi lang dapat ipaunawa tuwing panahon ng pagbaha, dapat, habang walang baha, may sapat na kaalaman.
               


               
Taft Ave cor UN Ave, Manila
Kuha ni Jericho Paul de Guzman


Comments

Popular posts from this blog

PINOY SPAGHETTI (Recipe)

PAGTITINDA NG GULAY AT PRUTAS, TALAGANG MABENTA!

IBA’T-IBANG URI NG MAKINA O ENGINE PARA SA SASAKYAN