STREET FOODS, MABENTANG MABENTA (TIPS)
STREET FOODS, MABENTANG MABENTA
Ni: Jericho Paul De Guzman
Maasim,
maanghang at matamis na sawsawan, ilan lang ang mga ‘yan sa dahilan kung bakit
binabalik-balikan ang street foods tulad ng Kwek – Kwek, fishballs, squidballs,
kikiam, hotdogs, chicken balls, tokneneng at marami pang iba.
Ayon
sa isang naging tindera ng mga pagkaing mabibili sa kalye, “nasa sawsawan
talaga ang labanan.” – paliwanag niya pa, nasa tamang timpla ng bawat suka,
tamis at paminta upang makamit ang hinihinging panglasa ng mga mamimili.
Sa
dami ng nagtitinda ngayon ng mga ganitong uri ng pagkain, hindi makakailang
napakahilig ng mga Pinoy sa tinatawag na “tusok-tusok” o pagtusok ng stick sa
mga pagkaing ito.
Kahit
may banta ito sa kalusugan dahil sa mga sangkap at kalinisan nito, hindi
papipigil ang mga pinoy sa pagtusok ng mga ito pampalipas oras pati na rin ng
gutom.
Kadalasang
mabenta ito tuwing hapon, dahil sa ganitong oras naglalabasan ang mga mamimili
upang magmeryenda.
Subalit,
hindi lamang “tusok-tusok” ang maaaring ibenta, mainam din na may panulak tulad
ng palamig na may iba’t ibang flavor pa tulad ng buko, buko salad, pineapple,
ube pandan, sago’t gulaman, fruit salad, melon juice, abocado at napakarami
pang iba.
Subalit
tandaan, kapalit ng pagbebenta ng ganitong uri ng pagkain ay ang
responsibilidad, responsibilidad hindi lamang sa sarili pati na rin ang
responsibilidad sa iyong consumer.
(C/O FILIPIKNOW.NET)
Comments
Post a Comment