GINATAANG LANGKA WITH ALIMASAG, KATAKAM-TAKAM (RECIPE)
GINATAANG LANGKA WITH ALIMASAG, KATAKAM-TAKAM
Ni: Jericho Paul De Guzman
Yummy – ginulay na
langka ang isa sa mga paboritong ulam ng mga taga probinsiya, bukod sa mura
ito, masustansiya pa at talagang katakam takam lalo na kapag hinaluan ng lamang
dagat.
Karaniwang
nauso ang ganitong luto sa mga taga Visayas, at naisipan itong lagyan ng iba’t
ibang uri ng lamang dagat tulad ng kuhol, talaba, alimasag, hipon at marami
pang iba.
Madalas
naman sa mga karinderya ay hinahaluan ito ng karne ng baboy, manok o baka,
subalit naisipan naman ng mga Bikolano na lagyan ito ng gata ng niyog at
tuluyan itong pumatok sa mga Pilipino.
Madali
lamang ang paggawa at pagluto nito, karaniwang inaabot lamang ng dalawangpung
minuto at ito’y maihahain na.
MGA SANGKAP
Ginulay na langka
Gata (Kakang gata)
Sibuyas at bawang
Alimasag
Asin at paminta
Mantika
(PHOTO C/O ATBP.PH)
PARAAN NG PAGGAWA
PARAAN NG PAGGAWA
Pakuluan
sa mainit na tubig ang alimasag at kapag itong mapula na, isama ito sa paggisa
sa bawang at sibuyas at ang langka.
Ilagay
ang gata at ihalo ang asin at paminta at pakuluan ito hanngang sa lumambot ang
gulay.
Easy
cooking na, tiyak na masarap pa, ‘yan ang Ginataang Langka with Alimasag.
Comments
Post a Comment