BASURA, SUBOK NA MAPAGKAKAKITAAN (TIPS)


Jericho Paul L. De Guzman
BASURA, SUBOK NA MAPAGKAKAKITAAN
            Subok at napatunayan na, ang pera ay maaaring makuha sa basura, pero para sa mga mayayaman o kahit na sa mga nasa middle class lamang, hindi mismong aakalaing ang basurang itinapon nila ay siyang nagbibigay biyaya sa mga mahihirap.
            Karamihan sa atin, kapag basura na, kailangan na itong itapon dahil nakakalat lamang ito subalit para sa mga maralitang basurero, ito ay kayamanan, kayaman na puwedeng pagkakitaan. Marami ang mga nabubuhay sa ganitong gawain at propesyon ng maituturing sa dami ng mga Pilipino na may ganitong uri ng trabaho.
            Sa ilang Junkshop, malaki ang pakinabang sa mga bakal at bote. Nagagawan pa ng panibagong bagay ang mga maliliit na piyesa at nagagawa itong bagong inbesyon.
            Bumibili rin ang mga Junkshop ng mga sirang sasakyan at aalisin ang mga mahahalagang piyesa nito at kukumpunihin muli para gawing bagong sasakyan at ibebenta sa mas mababang halaga. Tiyak na hindi agad masisira ang sasakyan sapagkat may magandang kalidad ang mga bagong sasakyang na nare-recycle. May promo ring ibinibigay ang mga shop na ito sa mga nais bumili tulad ng discount at warranty.
Image result for basura sa pilipinas
(C/O PHIL STAR)   
        
               Ang sirang sasakyan, magiging mas maayos, mas maganda, at mas kapaki-pakinabang. Ang sirang sasakyan na maaari ng itapon at talagang basura na kung maituturing ay puwede pang pagkakitaan at gawing pera.
            Hindi lamang sirang sasakyan ang maaaring pagkakitaan na puwedeng gawing kabuhayan, ang plastic bottles ay maaari ring gawing iba’t ibang materyales ganu’n din ang papel na maaari pang i-recycle. Kakaiba rin ang ginagawa sa mga water lily na nakababara sa Laguna de Bay, ginagawa itong basket, bag, palamuti at marami pang iba.
            Basura man sila sa iyong paningin, may pakinabang naman at hindi lang basta pakinabang, nagbibigay kabuhayan pa.

Comments

Popular posts from this blog

PINOY SPAGHETTI (Recipe)

PAGTITINDA NG GULAY AT PRUTAS, TALAGANG MABENTA!

IBA’T-IBANG URI NG MAKINA O ENGINE PARA SA SASAKYAN