MURA NA, MASARAP PA PARA SA MASA (recipe)
MURA NA, MASARAP PA PARA SA MASA
Ni Jericho Paul de Guzman
Masarap
sa hapagkainan – pritong isda at talong, samahan pa ng masarap na sawsawan,
ilan lamang ito sa mga pinakamasarap sa almusal, tanghalian at sa hapunan.
Karaniwang
ulam ito ng mga probinsyano subalit patok na patok rin ito para sa mga taga –
metro Manila.
Iba’t
– ibang uri ng isda ang maaaring iprito, tulad na nga lang ng pambansang isda
na bangus, ang paborito ng lahat na tilapia, ang malasang dalagang bukid, ang
pambansang isda ng masa na galunggong at marami pang iba.
Karaniwang
ipinapareha sa pritong isda ang pritong talong, bagay na bagay kasi ang lasa
nito sa isa’t – isa at nagbibigay gana sa nhapagkainan.
MGA SANGKAP
½ Kilo ng galunggong
Dalawang tali ng talong
Isang cup ng mantika
Asin
Kamatis at sibuyas para sa
sawsawan
PARAAN NG PAGLUTO
Painitin ang kawali sa kalan,
ganun din sa mantika, ‘pag mainit na ang mantika, ilagay na ang talong. Kapag
luto na ang mga talong, isunod na ang isda.
Sa paggawa naman ng sawsawan,
hiwain lamang ang kamatis at kamatis sa maliliit at lagyan ito ng asin upang
lumasa.
Napakadali
lamang, at siguradong makakatipid ka pa, simple lang ang luto para sa masa, at
siguradong gaganahan ka.
Comments
Post a Comment