MGA MAAARING PAGKAKITAAN TUWING SUMMER (TIPS)


MGA MAAARING PAGKAKITAAN TUWING SUMMER
Ni: Jericho Paul De Guzman
                Ngayong summer, siguradong ubos ang allowance ng mga estudiyante, dahil walang pasok, subalit may mga alternatibong paraan upang kumita habang nakatambay lamang.
                Pumapatok na naman ngayon ang mga pampalamig na pagkain tulad ng Halo-halo, mais at saging con yelo, ice cream at iba pa, pero may mas madaling paraan upang kumita, ang Ice Candy.
                Maaaring magtimpla ng iba’t ibang flavor sa patok na patok na pampalamig na ito, may gumagawa mula sa powder subalit mas masarap at nakakatakam lalo na sa mga bata ang sariwang prutas na maaaring ihalo sa sangkap.
                Karaniwang flavor ng ice candy ay ang mangga, pinya, strawberry, cocoa o chocolate, melon, buko, abukado, ubas at napakarami pang iba. Gatas, asukal at ang napiling flavor fresh man o powder ay ang mga pangunahing sangkap sa paggawa nito na maaaring ibenta sa halagang piso hanggang limang piso depende sa laki at sa flavor.
                Kailangan lamang ng malinis na timba o kahit anong lalagyan na pagtitimplahan ng ice candy, lagyan ito ng tubig, siguraduhin lamang na malinis ang tubig na gagamitin upang hindi magkasakit ang sino man na bibili nito. Pagkalagay ng tubig, timplahan ito ng kung ano’ng flavor ang gagamitin, gatas at asukal, maaari ring maglagay ng pandan at kung ano-ano pang pampalasa na puwedeng gamitin.
                I-pack ito sa plastic na pang ice candy at ilagay sa freezer upang tumigas, maglagay din ng karatula sa labas ng inyong bahay ng “ICE CANDY FOR SALE” at siguradong bebenta ito hindi lamang sa mga chikitang, pati na rin sa mga matatandang naghahanap ng pampalamig lalo na ngayong tag-init.
                Kaya ano pa ang hinihintay, sa mga estudiyanteng walang magawa, magbenta na ng ice candy, kahit nasa bahay lang, maaaring kumita!

Comments

Popular posts from this blog

PINOY SPAGHETTI (Recipe)

PAGTITINDA NG GULAY AT PRUTAS, TALAGANG MABENTA!

IBA’T-IBANG URI NG MAKINA O ENGINE PARA SA SASAKYAN