PINOY SPAGHETTI (Recipe)

Pilipino, Italyano, Amerikano, Latino, Asyano at iba pa, talaga namang  katakam-takam ang pagkaing ito lalong-lalo na sa mga tsikiting.
            Paano ba naman? Simpleng handaan o espesyal na okasyon man tulad ng kasalan, kaarawan, debu, binyag at iba pa, hindi mawawala ang spaghetti sa handaan ng mga Pinoy. Kung ang bersyon ng spaghetti ng mga Italyano ay maasim at pinaghahandaan sa presentasyon, ang bersyon naman ng mga Pilipino ay matamis, sadyang mahilig kasi ang mga Pinoy sa mga matatamis na pagkain, kaya naman naisip ng mga madiskarteng Pilipino na lagyan ng asukal ang sarili nating luto ng spaghetti.
            May mga lumalabas na nga ring Pinoy Spaghetti na nasa sachet o ang tinatawag na instant spaghetti (bersyon ng instant noodles / Lucky me) dahil ito sa sobrang pagkahilig nating mga Pilipino sa pagkaing ito. Isa sa mga haka-haka, kuro-kuro at kasabihan ng mga matatanda ay pampahaba raw ito ng buhay, itinuturing ito bilang food for long life kasama ng pansit, kaya naman ‘di kataka-takang paborito itong ihanda mapakahit anung okasyon man.
            Sa paghahanda at pagluto ng spaghetti, mahigit 40-minuto lamang ang kinakailangan.
MGA SANGKAP
Isang kilo ng Spaghetti Noodles
Kalahating kilo ng giniling nab aka
Kalahating kilo ng giniling na baboy
¼ kilo ng hotdogs (hiwain ng patagilid)
Kalahating kilo ng Spaghtti Sauce at Banana Ketchup
Tatlong piraso ng dahon ng laurel
¼ cup ng putting asukal
Dalawang piraso ng siling pula (bell pepper)
Dalawang piraso ng sibuyas
Isang buong ulo ng bawang (dikdikin)
Tatlong kutsarita ng mantika
Apat na baso na may lamang tubig
Keso
Isang maliit na pakete ng Nestle Cream
Asin at Paminta

PARAAN NG PAGLUTO
            Palambutin ang spaghetti noodles base sa kung ano ang direksyon na nakalagay sa pakete ng produkto.
            Sa paggawa naman ng sauce o sarsa, igisa ang bawang at sibuyas.
            Ilagay ang giniling nab aka at baboy, dahon ng laurel, siling pula, tubig at pakuluan sa loob ng sampung minute.
            Idagdag ang spaghetti sauce at ketsup at timplahan ng asin at paminta at pakuluan muli sa loob ng sampung minute.
            Maglagay ng asukal, hotdogs, at muli itong pakuluan sa loob ng limang minute
            Ihalo na ang nilagang noodles sa sauce o sarsa at lagyan ng keso sa ibabaw.

            Maaari ng ihanda ang paboritong-paborito ng pamilyang Pilipino, masarap na at pang long life pa.
PINOY SPAGHETTI
            




          

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

PAGTITINDA NG GULAY AT PRUTAS, TALAGANG MABENTA!

IBA’T-IBANG URI NG MAKINA O ENGINE PARA SA SASAKYAN