PAGKAKALBO, PAANO MAIIWASAN
Masakit sa ulo, kinakahiya at talagang mapapakamot ka nalang kung
mawawalan ka naman ng buhok, ano nga ba ang sanhi nito at paano ito
malulunasan?
Ayon
sa mga pag aaral, normal lang ang pagkaubos ng buhok lalo na sa mga kalalakihan
pero paano kung bata pa lang ay nalalagas na ang inyong mga buhok? Kung ganu’n
ang sitwasyon, magpakonsulta na sa doctor, baka kasi ito’y sakit na tulad ng
cancer at iba pa.
Marahil
ay namamana rin ito, kung ang buong pamilya ay may ganitong kalagayan, maaaring
dahil ito sa genes ng ina o kaya ng isang ama. Minsan, isinisisisi ito sa
stress o masyadong kapaguran sa trabaho. May dalawang uri ang pagkalagas ng
buhok ng isang lalaki, una, ang pagkaubos sa gilid ng noo pataas sa ulo at
pangalawa, pag pagkawala ng buhok sa tuktok ng ulo o ang pagkapanot.
Ayon
sa ginigagawang pag aaral sa ibang bansa, normal lang sa isang tao na malagasan
ng buhok sa di lalagpas sa bilang ng isang daang hibla nito, dahil kung ito’y
hihigit pa roon, maaaring hindi na ito normal at magpatingin na sa Doktor. Kaya
itong iwasan subalit maaari rin namang maiwasan tulad ng paggamit ng mga gamut na
Minoxidil at Finasteride – ito ay para bumagal ang pagkakalbo.
May
mga ilang payo akong maibibigay sa inyo upang maiwasan at mapigilan
1. Iwasang magsuot ng mga bagay sa ulo tulad ng
sombrero – nakukulob kasi ang scalp o ang anit ng ulo na nagiging sanhi ng
pagkalagas ng buhok.
2. Iwasang gumamit ng mga bagay na may kemikal tulad
ng shampoo at mga pampatigas ng buhok – may mga bitamina kasi na nawawala
tuwing madalas ang paggamit nito.
3. Iwasang pumunta sa mga mausok at mapolusyon na
lugar – ang polusyon kasi ay isa sa mga sanhi ng pagkakaroon ng dandruff na
nagpapalambot sa kapit ng buhok sa anit.
4. Iwasang magpuyat at mastress
5. Ugaliing kumain ng mga masusustansyang pagkain
tulad ng prutas at gulay
6. Iwasang maghiga pagkatapos maligo
Walang
masama kung susundin ang mga payong ito, hindi lang kasi ito tungkol sa buhok
kundi pati na rin sa pangkalahatan ng ating kalusugan.
May
mga halamang gamot din na maaaring makatulong upang hindi makalbo agad tulad ng
aloe vera, dahon ng bayabas at dahon ng malunggay – mas mainam gumamit ng na
natural na bagay kaysa sa mga artificial at may halong kemikal. Pakuluan lamang
an gang dahon at ipaligo ito inyong mga ulo, ayon nga sa mga matatanda, mas
mainam at epektibo ito at lalong makakatulong lalong lumago ang inyong mga
buhok.
Maraming
nagsasabi na kapag tayo ay nauubusan nan g buhok, sign ito di umano ng memory
loss, memory gap at iba pang sakit sa utak subalit ito’y walang kinalaman sa
hair loss dahil ang memory loss ay sanhi nang katandaan.
Buhok
– isa sa mga bagay na hindi natin kayang bilangin, dahil sa mga hibla nitong
dikit-dikit, manipis at kung anu-ano pa, sadyang napaka-importante nito sa
ating ulo dahil nagbibigay ito ng proteksyon. Pang porma, pang proteksyon at
iba pa, higit na inaalagaan ng karamihan at kinaiingatan lalo na ng mga
kababaihan subalit para sa mga kalalakahin, mawala man ito, okay lang bagay naman!
Huwag
ding kukutyain ang mga kalbo na sila ay masamang tao at hindi normal, dahil ang
mga nag-iisip lang ng masama sa kapwa ang siyang di normal. Subalit kung hindi
na nga ito normal, magpatingin na sa doctor upang siguradong healthy ang ating
mga buhok.
Photo from: Hairlossgurus.com
Comments
Post a Comment