Mga Maaaring Pagkakitaan Ngayong Parating na Summer (Tips)
Mainit, nakakainis,
nakakapanglagkit at masakit sa ulo sa tuwing sasapit ang summer season sa ating
bansa.
Lalong-lalo
na pag walang laman ang bulsa, bakit di mo subukang maghanap ng pagkakakitaan?
May mapaglilibangan ka na ngayong tag-init, kikita ka pa.
Ngayong
summer, usong uso at gustong gusto ng panlasa ng mga pinoy ang malalamig at
pangtanggal uhaw na mga inumin tulad ng halo-halo, samalamig, fruit shake, ice
candy at marami pang iba.
Sa
mga nagpla-planong magtinda ng isa sa mga sikat na pampalamig na halo-halo,
kinakailangan lamang ng limang daang pisong puhunan para sa limang sahog tulad
ng saging, kamote, gulaman, sago at halaya o ube.
Kasama
na ang iba pang sangkap tulad ng yelo, asukal, at syempre ang gatas, kabilang
na rin ang mga bagay na gagamitin tulad ng plastic na baso at kutsara.
Sa
halagang limang daan, siguradong kikita ka na basta marunong lamang humawak ng
hanapbuhay at negosyo, mapapasaya mo pa ang mga pilipinong sabik sa malamig at
abot kayang pampagaan sa pakiramdam.
Comments
Post a Comment