Tinolang Manok (Recipe)
Paboritong ulam ito ng mga Pilipino, bakit hindi? Inilathala
pa nga ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao na ang tinolang manok ang
pinaka paborito niyan ulam, dahil sa sabaw at sahog pa lang nito, siguradong kanin
na lang ang kulang.
Alam
niyo ba na ang luya ang isa sa pangunahing nagpapalasa sa tinola, at alam n’yo
rin ba na maaaring alternatibo ang baboy kapag walang manok. Ang tinola ay
naimbento na rin sa panahon ni Jose Rizal noong 19th century at
nailathala na rin ito sa nobelang Noli Me Tangere.
MGA SANGKAP
Isang kilong manok
Isang katamtamang laki ng Luya
Tatlong dinikdik na bawang
Isang sibuyas
Dalawang hiwa hiwang sayote o kaya naman papaya
Dahon ng Malunggay (Mas masustansya)
Tatlong baso ng Tubig
Isang chicken cube
Patis
At isang kutsaritang mantika
PARAAN NG PAGLUTO
Igisa
ang bawang, sibuyas, at luya sa mantika.
Kapag
naigisa na, ilagay na rin ang manok upang ito’y maigisa na rin at lagyan ito ng
tubig at pakuluan sa loob ng labing limang minute.
Kapag
napakuluan na, timplahan ito ng patis at chicken cube at ilagay ang
sayote/papaya upang ito’y lumambot.
Ilagay
ang masustansyang dahon ng malunggay at pakuluan sa loob ng tatlumpu’t Segundo.
Ayan,
maaari ng ihain sa mga Pilipino ang tradisyunal na ulam ng mga Pilipino, ang
Tinolang Manok.
Comments
Post a Comment