Ang Pambansang Ulam, Adobo (Recipe)

Nakapanghuhumaling, nakagigigil at patok sa panlasa ng mga pinoy, at take note, hindi lang sa mga pinoy kundi pati sa mga dayuhing panlasa rin.
            Alam niyo ba na ang adobo ay niluluto na ng ating mga ninuno bago pa man dumating ang mga kastila? Ang salitang Adobo ay nanggaling sa salitang Adobar kung saan ang ibig sabihin ay ibabad o i-marinade, ginagamitan lamang ito noon ng suka at asin para timplahan ang manok. Subalit nung nakipagkalakalan na ang mga Pilipino sa mga Tsino, ay na-introduce sa atin ang paggamit ng soy sauce o toyo at nagkaroon ito ng iba’t ibang bersyon at naging patok sa mga Pilipino.
            Napaka-ordinaryo lang ng mga sangkap at ang paraan ng pagluluto nito kaya naman lagi itong ginagawang ulam tuwing tanghalian at hapunan n gating mga kababayan. Para sa mga gustong matutunan ito, narito ang mga sangkap at paraan ng pagluluto.

Mga Sangkap Para sa Adobong Manok
Isang kilong sariwang manok
½ cup ng toyo
½ cup ng suka
Isang ulo ng Bawang
Asin
Asukal
Isang Dahon ng laurel
Mantika

Paraan ng Pagluluto
            Igisa sa mantika ang bawang at manok, pagkatapos igisa, lagyan ng sabaw (Marame o kaunte) at pakuluan sa loob ng sampu hanggang labing limang minuto.
            Timplahan ito ng toyo, suka, asin at asukal at pakuluan muli sa loob ng isa hanggang dalawang minuto.
            Palabasin ang mantika ng manok at alisin ito para mabawasan ang koresterol sa ulam.
           
            Napaka-dali lamang, at napaka-simple ngunit hindi ordinaryong lasa ang mararanasang kapag ito’y naluto at natikman nan g iyong sikmura.



Comments

Popular posts from this blog

PINOY SPAGHETTI (Recipe)

PAGTITINDA NG GULAY AT PRUTAS, TALAGANG MABENTA!

IBA’T-IBANG URI NG MAKINA O ENGINE PARA SA SASAKYAN