Hallway (Short Story)

Naghihintay si Angel na tawagin sya sa interview para sa isang malaki at sikat na kumpanya sa Manila.
                Balak ni Angel na mag-working student dahil wala ng pangtustos sa kanyang pag-aaral ang kanyang mga magulang na may sakit at hindi na nakakapag-trabaho. Habang nakaupo si Angel, may pinagtanungan siya kung saan pwedeng magpasa ng resume.
                “Sir, Saan po ba magpapasa ng resume?”
                “Ah, miss, hindi kasi hiring ngayon eh, balik ka na lang sa ibang araw”
                Napansin ng lalake na hindi nakaayos at casual lang ang suot ni Angel
                “Ah, ganun po ba? Mag-aapply po kasi sana ako, working student po”
                “Sige, ipasa mo na lang sa akin yung resume mo”
                “Salamat po, maghihintay na lang po ako ng tawag” Sabi ni Angel
                Nakangiti si Angel dahil sa maamong mukha ng lalake at napakabait nito sa kanya.
                “Gusto mo interbyuhin ka na ngayon?” Sambit ng lalake
                “Ngayon na po? okay lang po ba itong suot ko?”
                “Oo naman, ahh, Angel Delos Reyes pala ang name mo, ako nga pala si Prince”
               
                Natanggap si Angel sa trabaho bilang encoder at kahit papaano ay nakakatulong ang kanyang kinikita sa kanyang pag-aaral sa kolehiyo. Malaking bagay iyon sapagkat gusto talagang makatapos ni Angel sa kursong business management at matulungan ang kanyang pamilya.
                Tuwing lunch break, hindi na kumakain si Angel dahil sya’y nagtitipid at nagpapalipas oras na lamang siya sa hallway na malapit lamang sa kanyang department. Kumakalam na ang kanyang sikmura at walang magawa nang dumaan si Prince.
                “Prince!” – Aniya
                Napalingon si Prince sa kanya at tinanong kung may kailangan ba ito sa kanya. Hindi nakasagot si Angel at napangiti nalang subalit nagulat sya nang yayain sya nitong kumain sa labas at hindi naman na siya nakatanggi.
                Simula noon, naging magkaibigan sila, lagi silang nakatambay sa hallway kung saan lagi silang nagkwe-kwentuhan. Naikwento na rin ni Angel lahat ng kanyang problema kay Prince kaya naman nagprisinta si Prince na bigyan ito ng pera.
                “Di ko matatanggap yan!”
                “Utang kumbaga”
“Sige, babayaran ko rin ito, wag kang mag alala”
Ngumiti na lamang si Prince at tinanong si Angel kung sila na ba. Nabigla si Angel kaya naman napa-oo ito kaagad.

Lagi silang magkasama, lagi rin dumadalaw si Prince sa mga magulang ni Angel. Talagang mahal na mahal nila ang isa’t isa pero walang alam si Angel tungkol sa pamilya ni Prince at kung ano ang estado nito sa buhay.
Habang naghihintay sa Hallway, dumating si Prince at may sumagaw na sir.
“Sir?”
Napatingin si Angel kay Prince at dito nya nalaman ang lahat na anak si Prince ng may-ari ng kumpanya.
“Bakit di mo sinabe? Di mo ba ako pinagkakatiwaan?”
Umalis si Angel at nagresign na ito at hindi nakita at nakontak ni Prince. After 2 months, dumating ang kapatid ni Angel at sinabe nitong nasagasaan si Angel at namatay na ito.
“Ha?” napaluha na lamang siya at naalala ang kanilang nakaraan.


Comments

Popular posts from this blog

PINOY SPAGHETTI (Recipe)

PAGTITINDA NG GULAY AT PRUTAS, TALAGANG MABENTA!

IBA’T-IBANG URI NG MAKINA O ENGINE PARA SA SASAKYAN