Ang Maasim na Paksiw (Recipe)
Ang paksiw na bangus ay isa sa mga pagkaing pinoy na masarap
at naiiba ang lasa dahil sa paghahalo ng asim, alat, at tamis.
Bakit nga
ba masarap ang paksiw? At naisasama pa
ito sa kantang “Pasko na Naman” bilang “pasko, paksiw” at minsan ay
pinaglalaruan pa ito sa tongue twister.
Mga Sangkap pasa sa
Paksiw na Bangus
Isang kilong sariwang bangus (hiwa-hiwa)
½ cup ng sukang puro
Isang malaking Luya
Isang ulo ng bawang (dikdikin)
Dalawang talong (sliced)
Isang Ampalaya (sliced)
Tatlong siling haba
Asukal
Asin
Paminta
Paraan ng Pagluluto
Pagsama-samahin sa isang
kaserola ang mga sangkap (Isang kilong sariwang Bangus, Luya, Bawang, Talong,
Ampalaya, Siling Haba) (siguraduhing tanggalan ito ng kaliskis)
Pakuluan
ito sa loob ng sampung minute at saka ilagay ang suka.
Pakuluan
ang suka at wag itong haluin para hindi masira ang ulam, ang suka kasi ay
nagbibigay kakayahan upang hindi agad masira o mapanis ang ulam.
Kapag
napakuluan na ito, maaari na itong ihain sa ating hapagkainan.
Hayan at
napakasimple lang lutuin ng maasim at masarap na paksiw at siguradong abot
kayang ulam pa dahil sa mga ordinaryong sangkap nito.
Comments
Post a Comment