Ice For Sale (Pangkabuhayan tips)


Sa ganitong panahon, sunod-sunod ang pagtaas ng mga bilihin at bayarin kaya marami ang gustong makatipid, ang solusyon? Magbawas sa paggamit ng mga appliance sa mga kabahayan.

            Kaya naman ang iba, sinasamantala ang mainit na panahon upang kumita. Marami sa mga bahay-bahay ang gumagawa ng yelo sa plastic na s’yang ibinebenta o ipinagbibili.

            Sa totoo lang, malakas komunsumo sa kuryente ang refrigerator na gaamitin sa pagtitinda ng yelo dahil mas malaki ang makina nito at malakas din ang pino-produce na init. Subalit kung ayaw naman itong patayin dahil sa init ng panahon at makapagpalamig din ng tubig na inumin, pwede naman itong pagkakitaan o pangdagdag bayad sa kuryente. Kung ang freezer ng refrigerator ay malaki o maaaring makagawa ng 30 piraso ng yelo, siguradong kikita ka ng kulang kulang 100 na piso kada araw sa tatlong pisong halaga nito kada piraso.

            Tiyak na kikita sa ganitong paraan dahil plastik na pang yelo lamang ang kakailanganing bilhin na nagkakahalaga lang ng 18 na piso kada isang ballot ng plastik. Maaari mo ring gamitin ang tubig ng nawasa basta’t siguraduhing ito’y nasala at nalinis.

            Ngayong tag-init, siguradong magkakapera ka ng hindi umaalis ng bahay, panatilihin lamang malinis at nasa kundisyon ang inyong mga refrigerator upang hindi ito masira. Makatutulong din na ‘wag munang ibenta ang mga hindi pa tumitigas o nabubuong yelo dahil baka ito’y mabutas. Huwag din gumamit ng mga matutulis na bagay para kuhain ang yelo sa kadahilanang magkakabako-bako at mabubutas ang inyong freezer at maaari itong masira.

            Maglagay lamang ng karatulang “ICE FOR SALE” sa harap ng inyong pintuan at siguradong may kakatok sa inyo at sasabihing “Pabili ng Yelo”.

Comments

Popular posts from this blog

PINOY SPAGHETTI (Recipe)

PAGTITINDA NG GULAY AT PRUTAS, TALAGANG MABENTA!

IBA’T-IBANG URI NG MAKINA O ENGINE PARA SA SASAKYAN