PIPINO - PANGPALINAW NA, PAMPAKINIS PA (Tips)

Napansin niyo ba ang mga nagpapa-facial scrubs or spa? Karamihan sa kanila naglalagay ng pipino sa mata, sa anong dahilan? Malalaman natin ang mga kasagutan sa pagtuklas ng mga mahahalagang bagay paukol sa ating kalusugan.
            Ang Cucumber o mas kilala nating mga Pilipino na pipino, masustansiya at mabitamina. Ang gulay na ito ay isa sa mga pinakamayaman sa bitamina. Ang pipino ay sagana sa Vitamin C, Beta-Carotene at Manganese. Mayaman din ito sa Vitamin A kung saan ito’y pampalinaw ng mata at vitamin E na pampakinis ng balat.
            Ang pipino ay mayroon ding bitamina na kailangan ng ating katawan tulad ng Vitamin B1, B2, B3, B5, B6, Folic Acid, Calcium, Iron, Magnesium, Phosphorus, Potasium at Zinc. Lahat ng bitaminang ‘iyan ay tinataglay ng pipino na maaring makatulong sa ating pang araw-araw na pamumuhay.
            Sa katunayan nga, ang pipino ay pang apat na gulay na may pinakamaraming naaani at produksyon sa buong mundo kasunod ng kamatis, repolyo at sibuyas. Ito rin ay kilala sa salitang siyantipiko na cucumis satinus at kabilang sa pamilya ng melon at kalabasa.
            Bukod sa mga bitamina nito, marami ring benepisyo ang makukuha sa pipino, una, tuwing makararamdam ka ng pagkapagod sa hapon, kumain ka lamang ng pipino at magiging masigla ang iyong pangangatawan buong magdamag. Ang pipino kasi ay mayaman sa B Vitamins at Carbohydrates na nagpapasigla sa atin. Pangalawa, kung gusto mong mawala ang iyong hangover o sakit ng ulo, kumain lamang ng ilang piraso ng pipino at siguradong giginhawa ang iyong pakiramdam at tiyak na mababawasan ang sakit ng ulong iyong nararamdaman. Dahil ito sa sapat na asukal, B Vitamins at ang electrolytes para naman maibalik ang mga nawalang nutrient sa ating katawan.
            Isa ring benepisyo na maaaring ibigay ng pipino ay puwede itong gamitin bilang pangpatingkad ng kulay ng ating mga sapatos. Kung ikaw ay may importanteng lakad, mag-scrub lamang ng isang hiwa ng sariwang pipino at kikintab na ang inyong sapatos. Ang kemikal kasi nito ang nagpapatingkad at nagpapaganda ng kulay ng mga sapatos.
            Sa bitamina at benepisyo pa lamang ng pipino, tiyak na sulit na sulit ang paggamit at pagkain nito. Kaya naman mainam na gumamit nito kada araw dahil sa sustansiyang makukuha na kailangan ng ating katawan sa bawat araw ng ating pamumuhay.
            Ayon sa WHFoods, isang organisasyon na nagsusuri sa mga pagkain, ang pipino ang world’s healthiest food dahil sa napakaraming bitaminang makukuha rito kahit sa isang hiwa lang. Marami na ang nagpatunay dito, marami na ang nagsasabing nakatutulong talaga ito sa ating katawan pati na rin sa ating kalusugan.
            Marami ring puwedeng putahe at lutuing puwedeng gawin sa pipino, pero masarap din itong sawsawan tulad na lamang sa kwek-kwek at tokneneng na kung saan sinasama ito sa suka na may sibuyas, siling labuyo, asin, paminta at asukal. Nagdaragdag kasi ito ng kakaibang lasa at nakakaganang kainin t’wing may kasamang pipino ang mainit na kwek-kwek at tokneneng. Sa pagpapak naman nito, maaari kang gumawa ng sawsawang suka na may asukal, paminta at asin at hiwain lamang sa maliliit ang pipino. Madalas din ito sinasama sa mga salad tulad ng vegetable salad na may lettuce, kamatis at mayonnaise.
            Sa bawat pagbalat at paghiwa nito, sa bawat sustansiya na makukuha mo, sa bawat paglinaw ng iyong mga paningin, at sa bawat pagkinis ng iyong balat, siguradong isa ang pipino sa mga paborito ng mga Pilipino.


PIPINO o CUCUMBER

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

PINOY SPAGHETTI (Recipe)

PAGTITINDA NG GULAY AT PRUTAS, TALAGANG MABENTA!

IBA’T-IBANG URI NG MAKINA O ENGINE PARA SA SASAKYAN