SIMPLENG GULAY, GAWING ESPESYAL (recipe)
Jericho Paul De Guzman
SIMPLENG
GULAY, GAWING ESPESYAL
Iniiwasan,
kinaayawan, at talaga namang ayaw ng mga bata – ang gulay, sa panahon ngayon,
napaka-pihikan ng mga chikiting sa pagpili ng pagkain lalong – lalo na ang
gulay.
Napakaimportante
ng gulay sa ating katawan lalong – lalo na sa mga bata dahil sa napakaraming
benepisyo ang makukuha rito, pero paano ito ihahanda sa mga batang takot at
tila maduduwal tuwing makakakain ng gulay?
Ang
pangunahing gulay na kinakatakutan ng mga bata ay ang ampalaya, kakaiba kasi
ang lasa nito na may pagkamapakla at mapait na hate na hate ng mga bata.
Paano
ba maitatago ang lasa nitong kay pait tuwing ihahain na sa hapagkainan? Simple
lang ang sagot diyan, halina’t alamin ang mga sikretong kailangan upang maging
espesyal ang simpleng gulay.
MGA SANGKAP
Isang piraso ng Ampalaya
Sibuyas
Kamatis
Dalawang itlog
¼ kilo ng giniling na baboy
Mantika
Asin, vetsin, at paminta
PARA SA
SAWSAWAN
Toyo
Siling labuyo
Kalamansi
PARAAN NG
PAGLUTO
Igisa sa mantika ang sibuyas at
kamatis, papulahin ito at saka ilagay ang giniling na baboy.
Habang nag gigisa, tanggalin ang
buto ng Ampalaya (siguraduhing malinis ang gitna nito dahil doon nanggagaling
ang malaking pursyento ng mapait na lasa nito) at ibabad ito sa asin.
Pagkagisa ng giniling na baboy,
ilagay na ang ampalaya, hintayin itong maluto at saka ilagay ang binating itlog
at saka ito timplahan ng asin, vetsin at paminta para sa pampalasa.
Para sa sawsawan, paghaluin lang ang
toyo, siling labuyo at kalamansi.
Hindi mapapansin ng mga bata ang
ampalaya dahil nabalutan na ito ng itlog, at hindi na rin gaanung malalasahan
ang pait nito.
O, ano pa ang hinihintay niyo?
Simpleng – simple lamang ang recipe na ito at tiyak na magugustuhan pa ng mga
masisiglang bata.
Comments
Post a Comment