PININYAHANG MANOK, PATOK SA MGA HANDAAN (RECIPE)
PININYAHANG
MANOK, PATOK SA MGA HANDAAN
Ni: Jericho Paul De Guzman
Masarap
– patok na patok ang pagkaing ito tuwing may birthday, binyag, kasal at kung
anu-ano pang okasyon lalo na sa inuman. Isa ring nagpapalasa rito ay ang manok
lalo na kung ito ay Kal, ito ay isang uri ng manok na kung saan napakalasa
subalit napakatigas ng karne, kaya naman pinapayuhan ng mahabang pasensiya ang
magpapalambot ng karne nito.
Isa
ring pampalasa sa putahing ito ay ang pinya, mas masarap kung sariwang pinya
ang gagamitin ngunit kung ayaw ng maabala pa sa pagbabalat at paghihiwa nito,
maaari na rin ang nasa lata. Nagbibigay sarap din ang ibang sangkap nito lalo
na ang gatas, ang gatas ay ang nagbibigay ng balanse sa lasa nito.
MGA SANGKAP
1 kilo ng manok (kal)
Isang lata ng pinya/isang sariwang pinya
Isang medium size ng evap milk
Bawang at sibuyas
Limang piraso ng hotdogs (sliced)
Asin at paminta
Asukal
Mantika
PARAAN NG PAGLUTO
Pakuluan
ang manok hanggang ito’y lumambot, pagkakulo, igisa ito sa bawang at sibuyas.
Pagkagisa, lagyan ito ng sabaw at hayaan lamang hanggang ito’y matuyuan ng
sabaw, kapag ito’y natuyuan na, timplahan na ito ng asin at paminta, at ilagay
ang hotdog at pinya.
Pagkalagay
ng hotdog at pinya, dagdagan ito ng sabaw at patuyuan muli, kapag wala ng sabaw,
lagyan ito ng asukal at saka lagyan ng gatas, haluin lang ng haluin ang manok
na may gatas hangga’t hindi ito kumukulo, at kapag kumulo, handa na at puwede
ng pagsalu-saluhan ang napakasarap na pininyahan, hindi lamang sa handaan, pati
na rin sa pamilya.
Comments
Post a Comment