WITH A SMILE (SHORT STORY) - PART 2


“Uuwi na ako!” Malungkot na pagpapa-alam ni Anna sa kanyang kaibigan. Lumabas na siya ng building ng kanyang pinagtra-trabahuhan at naglakad patungo sa sakayan ng Jeep. Habang naghihintay, may tumabi sa kanya, nanginig siya sa sobrang natakot, ‘di na siya makatakbo dahil nakadikit na ang lalaki sa kanya, inisip niya ang tatlo niyang kapatid na nag-aaral pa, ang nanay niyang may sakit na “Oh Lord, tulungan niyo po ako, ibibigay ko na po ng sweldo ko basta’t huwag niyo po akong pabayaang mamatay, may mga kapatid pa akong nag-aaral at kailangan pa ako ng nanay ko” pagdarasal ni Anna. Inilabas na niya ang sobre na may lamang pera at iaabot na niya ito sa mamang nakadikit sa kanya.
“Ano yan?” – tanung ng lalaki (si Aaron),
“napaka-tangang holduper naman nito” bulong ni Anna. Narinig ito ni Aaron sabay sambit
“Holduper? Mukha ba akong holduper?” Biglang nawala ang kaba ni Anna
“Kung ganun, hindi ka holduper?” Sambit ni Anna at agad naman sumagot si Aaron
“Pero kung ibibigay mo yang sobreng hawak mo sa akin, tatanggapin ko!”           
“Loko to a” sa isip ni Anna
                “Bakit mo ba ako dinikitan, rapist ka ‘no?” paratang ni Anna
                “Kung rapist ako, edi hindi na sana kakausapin” sagot ni Aaron
                “E anu nga kailangan mo?” pasigaw ni Anna

                May kinuha sa bulsa si Aaron, ang panyo, na agad naman kinuha ni Anna, napaisip si Anna kung paano napunta sa lalaking ang kanyang panyo,
                “Teka, paano napunta sayo ito?” tanung ni Anna
                “Edi napulot ko” sagot ni Aaron
                “Are you a stalker?” Galit na tanung ulit ni Anna
                “Hoy! ‘wag mo akong ini-english English d’yan, napulot ko yan kagabe nung bigla kang tumakbo nung tiningnan kita dahil nahulog yang panyo mo, dapat nga magpasalamat ka at sinauli ko pa ‘yang panyo mo ANNA” mabilis na sagot ni Aaron
               
                Umalis na lang si Aaron na medyo na-disappoint, napahinto naman si Anna at napaisip, “tinawag niya akong Anna?” tumingin siya sa direksyon na kung saan patungo si Aaron, saka niya ito hinabol.
                “Saglit lang” nagmamadaling smbit ni Anna
                Napahinto si Aaron at lumingon
                “ah, thank you nga pala, sorry napagkamalan pa kitang holduper, salamat” pagbati ni Anna
                “Walang anuman” sagot ni Aaron at agad na umalis subalit nagsalita agad si Anna
                “Ako nga pala si Anna, Anna Santos” sambit ni Anna
               
Napaisip si Aaron pero agad din itong umalis
                “ay suplado?” sambit ni Anna na agad na ring sumakay ng Jeep.

ITUTULOY...

Comments

Popular posts from this blog

PINOY SPAGHETTI (Recipe)

PAGTITINDA NG GULAY AT PRUTAS, TALAGANG MABENTA!

IBA’T-IBANG URI NG MAKINA O ENGINE PARA SA SASAKYAN