SAGADA! ONE OF MY BEST TRAVEL ADVENTURES SO FAR

Ngayong taon, isa sa naging travel goal ko ang lugar ng Sagada, at isa lamang ang masasabi ko, "Satisfying". Napakaganda at napaka-peaceful ng lugar na ito, napakarami rin naming napuntahang mga lugar, maganda ang hotel accommodation at masarap ang mga pagkain (native). Noong aking kaarawan, nagpasya kaming magkakaibigan na pumunta at tumungo sa Sagada. Tatlong lugar ang sakop ng aming travel trip, Benguet, Sagada at Baguio, subalit hindi kami natuloy sa Baguio dahil masama ang panahon at nagkaroon ng landslide sa daraanan. Subalit nasunod naman ang karamihan sa aming mga ruta, tulad ng Hanging Coffin, Bomod-ok Falls at Banawe Rice Terraces.

Bomod-Ok Falls


Papunta pa lamang sa Falls na ito ay talagang adventure na, sa ibabaw kami ng jeep sumakay ay muntikan pa kami bumangga sa kasalubong na Jeep, puro bangin pa naman ang babagsakan, buti safe pa rin kami.



Ito ang aming dinatnan pagkatapos naming bumaba ng libo libong steps pababa, at syempre mas challenging ang paakyat na nagkahiwa hiwalay na kami ng landas.

image

Pagkaayat namin galing sa falls, ito, todo lamon naman, boodle fight naman, at napakasarap ng food, very organic.

Hanging Coffin
Medyo nakakatakot ang kwento ng hanging coffin na ito, pero syempre nirerespeto natin ang kultura ng mga taga Sagada, at wala ng makakabago pa doon.




Binisita rin namin ang simbahang ito na hindi ko alam kung ano ang pangalan.



Banawe Rice Terraces

At syempre hindi pahuhuli ang Banawe Rice Terraces, napakapayapa ng lugaw na ito at kamangha-mangha isiping ito'y gawa ng tao.


Kaya sa susunod, samahan niyo ako sa aking travel adventure, gusto kong puntahan ang Ilocos, pero sa Pangasinan muna ako ngayong Setyembre,

Note: ang mga larawan ay kuha noong Mayo 2019.


Comments

Popular posts from this blog

PINOY SPAGHETTI (Recipe)

PAGTITINDA NG GULAY AT PRUTAS, TALAGANG MABENTA!

IBA’T-IBANG URI NG MAKINA O ENGINE PARA SA SASAKYAN