CHRISTMAS SHOPPING, UMAARANGKADA NA! (tips)
CHRISTMAS SHOPPING, UMAARANGKADA NA!
Ni JERICHO PAUL DE GUZMAN
Gusto
mo ba ng karagdagang kita ngayong paparating na kapaskuhan? Seasonal lang
panahon na ito kaya naman napakasayang kumuha ng karagdagang kita ngayon.
Christmas
gifts ang karamihang hanap ngayon ng mga parokyano, pang – regalo ito para sa
mga special someone nila ganun din sa mga inaanak.
Para
sa mga bata, patok na patok pa rin sa kanila ang iba’t ibang klase ng mga
laruan tulad ng toy cars, stuff toys, frames at iba pa.
Para
naman sa mga teenager, uso naman sa kanila ang pabango, t-shirt, at iba pang
mga gamit na patok ngayon sa mga kabataan.
Kaya
naman puwedeng – puwede namang pagkakitaan ang pagbebenta ng iba’t – ibang
gamit na usong – uso naman tuwing sasapit ng pasko.
Maraming
puwedeng paghanguan ng mga bagay na
maaring ibenta, tulad sa Baclaran, Divisoria, at sa Quaipo, mas higit na
makakamura kung doon bibili.
Huwag
lamang uminit ang ulo sa bagal ng trapiko, dahil sa ganitong panahon,
siguradong bibigat at magmimistula ang mga pangunahing lansangan sa buong Metro
Manila at sa mga karatig bansa.
Siguraduhin
lamang na bumili sa mga pinagkakatiwalaang tindahan upang masiguro na ligtas
ang mga laruang ibinibili.
Kaya
ngayong pasko, siguraduhing ligtas ang kalusugan at magkaroon pa ng karagdagang
kita upang lalong maging masaya ang pasko at manigo ang bagong taon.
Comments
Post a Comment