SOPAS PARA SA TAG – ULAN (RECIPE)


Jericho Paul De Guzman
SOPAS PARA SA TAG – ULAN
                Ngayong tag-ulan, gusting gusto ng mga Pilipino ang mga maiinit at masasabaw na pagkain tulad ng mami, lugaw at ang paborito nating lahat, ang sopas.
                Masarap sa pakiramdam tuwing makakakain tayo ng mga ganitong pagkain tuwing umuulan dahil sa sabaw o soup pa lang nito, ang sarap ng higupin lalo na sa sarap ng lasa nito na hindi mo maiipapaliwanag kung ano.
                Marahil dahil sa gatas na inilalagay dito, nagkakaroon ng kakaibang lasa ang sopas, kasama na rin ang mga sahog nito na masarap na, masustansiya pa.
                Madalas itong inaalmusal ng maraming Pilipino dahil pampagising umano ito ng diwa at hindi nakaka antok sa nakalalambot na umaga. Yung iba naman, inuulam din ito sa kanin, meryenda at kung minsan naman, almusal na, tanghalian pa, at hapunan na.
                Kaya ito na ang lulutuin natin ngayon para sa buong araw na paghigup ng sopas para sa buong pamilya.
MGA SANGKAP
Isang kilong macaroni noodles
¼ na repolyo
¼ na carrots
Isang lata ng evap milk
Asin, paminta
¼ ng hotdogs
¼ ng pork giniling
Sibuyas at bawang
Image result for pinoy sopas
(photo c/o; panlasangpinoy.com)

PARAAN NG PAGLUTO
                Pakuluan at palambutin sa loob ng labing limang minuto ang macaroni noodles.
                Sa hiwalay na kawali, igisa sa mantika ang bawang at sibuyas, igisa na rin ang hotdogs at pork giniling at isama na rin ang repolyo at carrots.
                Kapag napalambot na ang noodles, ilagay na ang mga iginisang sangkap sa kaserolang pinagkuluan at ilagay ang gatas.
                Lagyan ng pampalasa na asin at paminta at maaari na itong ihain sa buong pamilya, at dahil isang kilo ang ating niluto, maaari itong ihain sa almusal hanggang sa hapunan na.

Comments

Popular posts from this blog

PINOY SPAGHETTI (Recipe)

PAGTITINDA NG GULAY AT PRUTAS, TALAGANG MABENTA!

IBA’T-IBANG URI NG MAKINA O ENGINE PARA SA SASAKYAN