WITH A SMILE (SHORT STORY) - PART 3
Habang nasa jeep, iniisip pa rin ni Anna ang nangyare, pero hindi niya
mapigilang kiligin, pinipigilan niya ang sarili pero pakiramdam niya na
Love-at-first-sight siya. Alam niyang twice na silang nagkita at napapaisip pa
rin siya “ano kaya pangalan niya? Saan kaya siya nagtra-trabaho?” At kung
ano-ano pang tanung sa sarili tungkol sa lalaking nakita niya.
Kinagabihan,
habang nag-aabang ng jeep na masasakyan, lumilingon-lingon siya sa paligid,
ipinagdarasal na makitang muli ang lalaking dalawang gabi na niyang nakikita.
Ngunit, nakasakay na siya’t lahat, wala siyang nakitang anino ng lalaking
nagsauli sa kanya ng panyo.
Habang nakaharap sa computer, “Mr. Reyes, may meeting
tayo mamaya! Don’t be late” tawag sa kanya ni Mr. Santos, Executive Manager ng
company. Nag-init ang ulo nito at itinaas ang dalawang paa sa itaas ng kanyang
lamesa. Habang nasa meeting, tinawag siya ni Mr. Santos, “Mr. Reyes, what can
you say about this proposal?” Tumayo si Aaron at biglang umalis, nagulat ang
lahat ng nasa conference room at nagtaka sa kinilos ni Aaron.
“Nakakainis”
paulit-ulit na sambit ni Aaron, alam ni Aaron na gusto siyang paalisin ni Mr.
Santos sa kumpanya kaya madalas itong napag-iinitan at sinisiraan. Galit na
galit na lumabas ng building si Aaron “hindi talaga siya titigil hangga’t ‘di
ako natatanggal dito” bulong ni Aaron. Ang dahilan kung kaya’t gusto siyang
matanggal ni Mr. Santos dahil gusto nitong makuha ng kanyang anak na si Vince
ang kanyang posisyon.
Naglakad-lakad sa
labas ni Aaron, saktong namimili naman sa bangketa si Anna, nilapitan niya ito.
Kinuha ni Aaron ang panyo na nahulog dahil sa pamimili ni Anna sa mga
ibinebentang pitaka
“Panyo mo.”
Iniabot ni Aaron ang panyo sa dalaga ng nakasimangot
“Ay, thank--”
napatigil siya ng makita niya si Aaron.
“Ikaw pala.”
Sambit ni Anna
“Ako nga pala si
Aaron Reyes, pasensiya na kung hindi ako nakapagpakilala sayo ‘nung nakaraang
gabi” pakuwari ni Aaron.
“Ah okay lang,
ako nga dapat ang humingi ng patawad sayo dahil napagkamalan kitang holduper at
rapist eh,pasensiya na” nakangiting sabi ni Anna.
Dito ka ba
nagtra-trabaho? Tanung ni Aaron
“Oo, D’yan sa
kanto” sagot ni Anna “ikaw?” tanung naman niya sa binata
“Oo, d’yan lang
din ako sa ikalawang kanto” sagot ni Aaron
“Pwede ba kitang
yayaing mag-merienda?” tanung ni Aaron
“Oo, pwede ako”
sagot ni Anna
Kahit time na ni
Anna para sa trabaho, hinayaan na lamang niya ito at sumamang kumain sa isang
restaurantkay Aaron.
“Matanung ko
lang, kanina pa kasi di maipinta yang mukha mo, may problema ka ba?” Tanung ni
Anna.
“Office problem
lang ito, ‘wag mo ng intindihin” sagot ni Aaron
”Ano ka ba?
Normal na ang office problems, yung mga awayan, siraan, di nawawala sa isang
kumpanya ‘yan, ako nga ilang beses ng napagalitan e, minsan nga minumura pa ako
ng boss ko, pero wala sa akin yun, kailangan ko ng pera eh” Sagot ni Anna
“Kaya pala
inilabas mo agad yung pera mo nung dinikitan kita?” tanung ni Aaron
“Ayoko pang
mamatay, malay ko ba kung may dala kang patalim d’yan, edi namatay pa ako, edi
lalo akong nawalan ng pera” Sagot ni Anna
Habang nasa
restaurant, tinugtog ang awitin ng Eraserheads
“Lift your head,
baby, don't be scared
Of the things that could go wrong along the way
You'll get by with a smile
You can't win at everything but you can try.”
Hindi nagtagal,
nagkagaanan na ng loob bang dalawa, nagpalitan ng cellphone number, nag-ikot pa
sila sa mga mall na nakapalibot sa lugar, di na nila napansin ang oras.
Nakangiti at tumatawa nang muli si Aaron, ng biglang may tumawag sa telepono ni
Anna.
“Anna, galit na galit
si Boss, bakit hindi ka raw pumasok ng walang paalam? Sisante ka na! Anu ba
kasi nangyare at hindi ka pumasok?” Tawag mula kay Samby. Napatulala si Anna,
na-shock at tila nanlumo sa narinig “Anna! Anna! Anna!” Paulit-ulit na tawag ni
Samby. Ibinaba na ni Anna ang telepono na may kahalong lungkot at
paghihinagpis, napaluha na lamang ito.
“Teka, ano’ng
problema?” tanung ni Aaron
“Wala na akong
trabaho!” Sagot ni Anna
“Ano? Teka,
sigurado ka ba d’yan?” tanung ni Aaron
Napaiyak na
lamang si Anna sa balikat ni Aaron, at niyakap naman ito ng binata.
ITUTULOY...
Comments
Post a Comment