WITH A SMILE (SHORT STORY) - LAST PART


Kinabukasan, inayos na ni Anna ang kanyang mga papeles upang opisyal na makaalis sa kumpanya. “Bye friend!” sambit ni Anna sa kanyang kaibigan na si Samby. Nagyakapan ang dalawa at saka umalis si Anna.
                Nag-apply din agad si Anna sa ibang company, at naisipan niyang magpasa ng resume sa pinapasukan ni Aaron. May napansin agad siyang isang lalaki, napaiyak agad siya ng makita niya ang kawangis ng kanyang ama. Nanginig siya at gusto niya itong lapitan, subalit hindi niya kaya. Palapit ng palapit sa kanya ang lalaking iyon, at tinanong siya nito, “Are you applying?” tanung ng lalaki, hindi nakasagot si Anna at patuloy lamang lumuha. “May problema ba?” tanung ng lalaki,
                “Papa!” ang nasambit ni Anna, na patuloy ang pagluha
                “Teka miss, ‘di ako ang papa mo, kung mag-aapply ka, tumungo ka doon sa info. desk” Sagot ng lalaki.
                Inilabas ni Anna ang panyong may pangalan niya at ipinakita ito sa lalaki, nagulat ang lalaki at kinuha nito ang panyo.
                “Anna? Anna, ikaw nga” napaluha na rin ang lalaki
                “Anak ko!” dagdag pa ng lalaki.
                “Mr. Santos tawag na po kayo a conference room” Tawag sa kanya ng isang staff
                Dumeretso si Mr. Santos sa conference room at iniwan saglit si Anna sa waiting area. Habang naghihintay, tinext niya si Aaron “Nandito na ako J
                “Talaga? Saan? Pupuntahan kita” reply ni Aaron
                “Dito sa waiting area” sagot ni Anna
                “Sige, nand’yan na ako” reply ni Aaron
               
                Ilang minuto lang ay dumating na agad si Aaron.
                “Kamusta na? kinakabahan ka ba?” Tanung ni Aaron
                “Hindi, ang saya-saya ko, nakita ko na ang ama ko” Sagot ni Anna

                Napaisip agad si Aaron, “isa lang ang santos dito, malamang, ayun a nga ang sinasabi niyang ama” sa isip ni Aaron
                “Ganun ba? I’m happy for you” sambit ni Aaron subalit walang emosyon
                “Bat’ parang di ka masaya?” Tanung ni Anna
                “Sorry, I have to go!” nagmamadaling sabi ni Aaron
                “Teka ano ba problema mo?” Tanung ni Anna
                “Ang ama mo ang problema ko, alam mo kung bakit? Tatanggalin na ako sa trabaho dahil sa kanya, ipapalit niya yung kapatid mo sa position ko, kaya maging masaya na kayo! Inyong – inyo na itong company na ito!” naiiyak-iyak na sambit ni Aaron
                Tumayo si Anna at biglang niyakap si Aaron “I LOVE YOU” sambit ni Anna
                Nagulat si Aaron sa narinig subalit dala na rin ng emosyon tinulak niya si Anna “Mahal din kita, pero pinaghirapan ko ‘tong trabaho na ito”
                Biglang dumating si Mr. Santos “magkakilala kayo?” tanung nito sa dalawa
                “Opo pa, siya po ang boyfriend ko” sagot ni Anna
                Napatingin si Aaron sa kanya at biglang napangiti ng di niya napapansin
                “Hindi na po ako mag-aapply, pabor po sa inyo iyon, labingdalawang taong responsibilidad lang naman ang iniwan niyo samin, bakit di niyo pa gawing panghabangbuhay” bulalas ni Anna
                “Anak!” Singit ni Mr. Santos
                Napaluha si Anna, “tanggalin niyo na lang ang responsibilidad niyo sa akin, ‘wag lang ang taong mahal ko!” sambit ni Anna.
“Baby, you don't have to worry
'Coz there ain't no need to hurry
No one ever said that there's an easy way
When they're closing all their doors
And they don't want you anymore
This sounds funny but I'll say it anyway.”

Pumayag ang ama sa gusto ng anak pero sa huli, nag-resigned din si Aaron at nag-apply sa iba, naiwan naman si Anna subalit naging matibay ang kanilang samahan at pagmamahalan.

Comments

Popular posts from this blog

PINOY SPAGHETTI (Recipe)

PAGTITINDA NG GULAY AT PRUTAS, TALAGANG MABENTA!

IBA’T-IBANG URI NG MAKINA O ENGINE PARA SA SASAKYAN