COOKIES, MABENTA SA MGA CHIKITING! (tips)
COOKIES, MABENTA SA MGA CHIKITING!
Ni: Jericho Paul De
Guzman
Yummy
– Usong pambaon ng mga chikiting, kaya naman napakainam na gawing negosyo ang
pagbebenta ng cookies. Maraming uri ng cookies ang maaaring ibenta, nariyan ang
chips ahoy, banana chips, fretzel at marami pang iba.
Karaniwang
hinahango ito sa mga malalaking palengke at sa iba’t – ibang factory upang
makakuha ng mas mura at ipasa sa halagang 70-100 pesos depende sa flavor at uri
ng biscuit. Madali rin itong ibenta dahil maaari lamang itong ilako at ialok sa
mga kapitbahay na may mga maliliit na chikiting.
Karaniwang
makakahango nito ng 40-60 pesos at maipapasa ito sa 70-100, basta’s huwag
lamang patatagalin sa pagkakaimbak dahil maaari itong masira o amagin.
Siguraduhin din na nakalagay ito ng maayos sa kahon o anumang lalagyan upang
hindi ito madurog.
Tandaan
din na mahalagang magkaroon ng listahan sa bawat ibebena at maibebenta,
importante rin ang pag inventory sa mga paninda, upang malaman ang laki at liit
ng tinutubo. Importante rin na gawing malinis ang bawat sulok ng paglalagyan ng
mga paninda dahil madaling mapasok ng mikrobyo ang mga ito kahit pa nakaselyo o
nakaplastik.
Kaya
naman simulan na ang pagbebenta ng mga masasarap na cookies, para sa mga suki
na may anak na chikiting.
photo c/o Sally's Baking Addiction
Comments
Post a Comment