GINISANG AMPALAYA, MAPAIT NGUNIT PUNO NG SUSTANSIYA (RECIPE)


GINISANG AMPALAYA, MAPAIT NGUNIT PUNO NG SUSTANSIYA
Ni: Jericho Paul De Guzman
                Mapait – Ito ang karaniwang dahilan kaya maraming hindi kumakain ng Ampalaya, naihahalintulad pa nga ito sa ugali ng isang tao na may mapait na karanasan sa kanyang buhay pag-ibig, pamilya at sa eskwelahan.
                Liban sa kaalaman ng karamihan, kahit mapait ang lasa ng Ampalaya, napakarami namang sustansiya ang maaaring makuha rito, tulad ng Zinc, Potassium at Dietary Fiber. Mayaman din ito sa Bitamina A, B9 o Folic Acid at C.
            Isa sa popular na luto rito ay ang ginisa, maaari itong igisa sa itlog, sa giniling, corn beef, at iba pa, pero karaniwan na ang ginisang Ampalaya sa giniling.
MGA SANGKAP
Isang kilong Ampalaya
¼ na giniling
Sibuyas
Bawang
Mantika
Asin at Paminta
Oyster Sauce
PARAAN NG PAGLUTO
            Igisa ang sibuyas at bawang sa mainit na mantika, isabay na rin ang giniling, maglagay ng oyster sauce at pakuluan ito.
            Ilagay ang ampalaya at pakuluan ito sa loob ng labing limang minuto at timplahan ng asin at paminta.
            Napakadali lang mag-gisa, napakasustansiya pa, kaya subukang ‘wag maging bitter at maging healthy lives.

Image result for ginisang ampalaya
(PHOTO C/O YOUTUBE.COM)

Comments

Popular posts from this blog

PINOY SPAGHETTI (Recipe)

PAGTITINDA NG GULAY AT PRUTAS, TALAGANG MABENTA!

IBA’T-IBANG URI NG MAKINA O ENGINE PARA SA SASAKYAN