BEEF BROCCOLI (recipe)

Malinamnam, masarap at isa sa mga pinakamahal na gulay sa ating bansa – ano pa, edi ang sosyal na ulam ng mga Vegetarian, ang Broccoli, pero lalo itong mas sososyal kapag sinamahan mo ng baka, malambot na baka.
                Alam niyo ba na ang pagkaing ito ay hindi lamang sikat sa mga Pilipino Restaurant, isa rin ito sa mga binibida ng mga Chinese, American at European Restaurant. Hindi nakapagtataka, paborito ito ng maraming tao sa buong mundo. Sa Pilipinas, sa Baguio City ang may pinaka mataas na produksyon nito kaya kung nagbabalak bumili, siguradong mura sa Baguio, ayun ay kung malapit ka lang sa lugar na iyon.
                Ang Broccoli ay mayaman sa vitamin C at dietary fiber at nagtataglay ng anti-cancer vitamins tulad ng diindolylmethane at selenium kaya naman napakahalaga ng gulay na ito. At hindi lang iyan, mayroon pa itong 24 o dalawangpu’t apat na bitamina sa kada isang kilo ng broccoli.
                Tiyak na masarap na recipe ang kahit anung ulam na may kasamang broccoli subalit kung ito ay baka, lalo itong masarap at kakakit-akit sa mata lalo na sa gutom na tiyan at sikmura. Para iluto ang Beef Broccoli, narito ang mga dapat ihanda at dapat gawin. (tansyang oras ng paghahanda at pagluto: kulang-kulang isang oras)
MGA SANGKAP
Isang kilong Sirloin na baka (hiwain ng manipis)
Isang kilong Broccoli (hiwain ng maliliit)
Isang Sibuyas
Apat na piraso ng bawang
Isang maliit na Luya
¼ Cup ng Toyo
Kalahating cup ng Oyster Sauce
Isang kutsaritang katas ng kalamansi o lemon
1’4 cup ng cornstarch (pampalapot ng sabaw, tunawin ito sa tubig)
Tatlong kutsarita ng mantika
Paminta, Asukal at Asin

Puwedeng ilagay o hindi na
Mushrooms
Karot
Sesame Oil

PARAAN NG PAGLUTO
Una, imarinade o ibabad ang baka sa toyo, lemon juice, cornstarch, asin, paminta, at mantika sa loob ng labing limang minuto.
Pangalawa, pakuluan ang Broccoli sa loob ng isang minuto hanggang sa ito’y lumambot
Pangatlo, igisa ang bawang, sibuyas at luya, pagkagisa, ihalo ang baka at ilagay ang tinunaw na cornstarch, asukal at oyster sauce at pakuluan hanggang lumapot ang sabaw.
Panghuli, lagyan ng paminta at asin at haluin ng mabuti ang mga sangkap hanggang sa tuluyan itong maluto. Maaari na itong ihain at kainin, di lang pang restaurant, maaari ring pangbahay.

Nakakain ka na ng masarap na pagkain, tiyak na puno pa ito ng sustansya, mag-eenjoy ka na, lulusog ka pa. Sa kakaibang lasa nito, talaga namang masasabi mong pang mayaman, subalit kung magtitiyaga ka lang, maihahain mo rin ang napakasarap ng Beef Broccoli sa inyong hapagkainan.



Comments

Popular posts from this blog

PINOY SPAGHETTI (Recipe)

PAGTITINDA NG GULAY AT PRUTAS, TALAGANG MABENTA!

IBA’T-IBANG URI NG MAKINA O ENGINE PARA SA SASAKYAN