50 DAYS WITH JENNY (SHORT STORY) LAST PART

39th day – 48th day: Naging masaya ang pagsasama ng dalawa, masayang masaya, kulang pa ang mga salitang iyan para idescribe ang kanilang kasiyahan.
49th day: Kung ganun kaikli lang ng kanilang pagkakakilala sa isa’t-isa at sa maikling panahon na ‘yon ay naging maganda ang kanilang pagsasama. Ayon nga sa isang kanta, “Oh kay bilis ng iyong pagdating, pag alis mo ay kay bilis din”
Nakatanggap ng tawag si Jenny papuntang abroad, sa Switzerland, naroon ang kanyang kapatid at niyayaya itong doon na manirahan at mamuhay ng payapa, at kailangan ng umalis kinabukasan. Hindi makapagdecide si Jenny dahil ayaw niyang iwanan si Johnny subalit ayaw niyang iwan ang pagkakataong matagal na niyang pinapangarap.
Kinagabihan ay nag-usap sila ni Johnny “Huh? Iiwan mo na lang ako basta-basta, hindi naman tama iyan, mahal kita, ayokong mawala ka sa piling ko” – “Babalik ako! Pangako ko sa iyo yan, intindihin mo naman ako, matagal ko ng pangarap ito, bata pa lang ako gusto ko ng mag-abroad, please!”
Naluha na lang si Johnny, ‘di niya alam ang gagawin, naguguluhan na siya at naisip niyang para sa mahal niya iyon, ayun ang magpapasaya sa kanya, kaya hindi niya dapat hadlangan ang bagay na iyon. Pumayag na lang si Johnny at “kalian ang alis mo?” – “Bukas na!” napaluha na lang si Johnny at hindi na alam ang kanyang gagawin, sa maikling panahon na magkasama sila, hindi niya alam kung talagang babalik pa si Jenny, hindi niya alam.
50th day: hinatid ni Johnny si Jenny sa airport, napaluha na lang silang dalawa dahil marahil alam nila pareho na iyon na ang huling pagkikita nila.
Sa loob ng limampung araw, di akalain ni Johnny na magmamahal siya ng lubos kaya naman lubos din siyang nasaktan ng matapos ang limanpung araw.
Nagkaanak, nagkapamilya, nagkaroon na ng magandang buhay si Johnny, walang Jenny na bumalik, ni anino’t kaluluha ay hindi nagpakita, para kay Johnny, ang pagkakataong makasama si Jenny ay isang magandang alaala na lamang.


THE END.

Comments

Popular posts from this blog

PINOY SPAGHETTI (Recipe)

PAGTITINDA NG GULAY AT PRUTAS, TALAGANG MABENTA!

IBA’T-IBANG URI NG MAKINA O ENGINE PARA SA SASAKYAN