PAGBABABAD SA COMPUTER, NAGIGING SANHI NG OBESITY?
Alam niyo ba na
ang pagbababad sa harap ng computer ay isang dahilan kung bakit nagiging obese
ang isang tao lalo na sa mga kabataan? Ang obesity ay isang medical condition
na kung saan makikita ito sa katawan ng tao kung ito’y sobrang taba na.
Ang kakulangan sa ehersisyo at hindi tamang
diet ay ilan sa mga nagiging dahilan ng obesity, para maging healthy ang
lifestyle, kinakailangan pangalagaan ang kalusugan sa pamamagitan ng
pag-eehersisyo at pagkain ng tamang diet tulad ng gulay at prutas.
Ayon sa ilang pag-aaral at
balita, tatlo sa bawat sampung tao sa buong mundo ay obese o sobrang taba,
binabase kasi tio sa timbang at tangkad ng tao.
Karaniwan din sa mga nagiging
obese sa panahon ngayon ay ang mga bata, dahil sa kawalan ng social interaction
kaya kadalasan itong nangyayari, at sa paglaganap ng napakaraming gadget at
internet na kung saan mas inaatupag ito ng mga kabataan.
Kaya naman isang rason ang pagbababad sa computer at internet ang pagiging obese dahil nakakalimutan nitong mag ehersisyo at kumain ng tama.
Bukod sa pagiging obese, possible
ding lumabo ang mata ng mga madalas magbabad sa computer dahil sa radiation
nito.
Nagiging sanhi rin ito upang
mawalan ng kaibigan ang mga bata at tuluyang mawalan ng social interaction sa
labas ng bahay.
Hindi masama ang mga makabagong
teknolohiya, basta’t tama lang itong gagamitin at huwag na huwag itong
gagamitin sa kasamaan lalo na sa inyong kalusugan.
Photo credit to Psychology Today
Comments
Post a Comment