FRIED RICE WITH A TWIST (RECIPE)
Paboritong kapares ng tapa, tocino, hotdogs, ham and bacon at siyempre, ng itlog – Sinangag, dadalas itong ihain sa pang almusal, samahan lamang ng kape, kumpleto na ang umaga nating lahat. Sa ibang lugar dito sa Pilipinas, lalo na sa Metro Manila, hindi lang pang almusal ang sinangag, sikat kasi ang tapsilugan na pang midnight snacks. Ang sinangag ay nakatitipid, dahil sa bawat natitirang kanin, nasasayang ang produksyon nito at tipid sa gastos dahil sa maaaring kainin muli ang tiring kanin. Para pasosyalin ang simpleng fried rice, puwede itong lagyan ng sari’t saring sahog na magpapasarap sa sinangag. MGA SANGKAP Tirang kanin Bawang Onion Spring (Hiwain sa maliliit) Ham (Hiwain sa maliliit) Itlog (Isang piraso) Chorizo Butter Hotdog (Hiwain sa maliliit) Asin Dahon ng pandan PARAAN NG PAGLUTO Igisa ang bawang sa butter, kapag mapula na ang bawang, isama na ang Ham, chorizo at hotdog.