FRIED RICE WITH A TWIST (RECIPE)

Paboritong kapares ng tapa, tocino, hotdogs, ham and bacon at siyempre, ng itlog – Sinangag, dadalas itong ihain sa pang almusal, samahan lamang ng kape, kumpleto na ang umaga nating lahat.
                Sa ibang lugar dito sa Pilipinas, lalo na sa Metro Manila, hindi lang pang almusal ang sinangag, sikat kasi ang tapsilugan na pang midnight snacks.
                Ang sinangag ay nakatitipid, dahil sa bawat natitirang kanin, nasasayang ang produksyon nito at tipid sa gastos dahil sa maaaring kainin muli ang tiring kanin.
                Para pasosyalin ang simpleng fried rice, puwede itong lagyan ng sari’t saring sahog na magpapasarap sa sinangag.
MGA SANGKAP
Tirang kanin
Bawang
Onion Spring (Hiwain sa maliliit)
Ham (Hiwain sa maliliit)
Itlog (Isang piraso)
Chorizo
Butter
Hotdog (Hiwain sa maliliit)
Asin
Dahon ng pandan
PARAAN NG PAGLUTO
                Igisa ang bawang sa butter, kapag mapula na ang bawang, isama na ang Ham, chorizo at hotdog.
                Kapag nagisa na ang mga sangkap, batihin ang itlog at saka ilagay sa iginigisang mga sangkap, ilagay na rin ang hinimay na tirang kanin at halu-haluin ito hanggang sa mainin.
                Lagyan ng Onion spring at timplahan ng asin at ilagay ang dahon ng pandan para bumango ang Sinangag, halu-haluin lang ito at maaari na itong kainin.
                Kahit walang ulam, perfect match ito sa ating mga sikmura, sa amoy at sahog pa lang, panalo na.


Comments

Popular posts from this blog

PINOY SPAGHETTI (Recipe)

PAGTITINDA NG GULAY AT PRUTAS, TALAGANG MABENTA!

IBA’T-IBANG URI NG MAKINA O ENGINE PARA SA SASAKYAN