ANG MGA PATOK AT RESTAURANT WORTHY NA IBA’T-IBANG URI NG SINIGANG
Aminado ang lahat na ang Adobong manok ang pagkaing Pinoy na maaari nating ipanlaban sa mga pagkaing banyaga, sa asim at alat nitong lasa ng dahil sa suka at toyo, talaga namang nagbibigay ito ng kakaibang panlasa para sa lahat. Subalit hindi rin natin ma-itatanggi na ang sinigang ang pangunahing paboritong ulamin ng ating mga kababayan, may lutong pang-bahay at pang-restaurant pa. Pero pagdating sa klase ng sinigang, aba! Napakarami ang maguguluhan kung anong sinigang at sangkap baa ng gagamitin para rito. Sa karne kasi, marami ang maaaring pagpilian, may baka, manok, isdang bangus, hipon, sardinas at napakarami pang iba. Sa pang-paasim naman, mayroong sampalok, miso, kamyas, mangga, bayabas, purong kamatis at marami pang iba. Siguradong alam na ng napakarami ang sinigang sa baboy sa sampalok at ito na mismo ang pinaka-popular na sinigang sa ating bansa lalo na sa Metro Manila. Subalit ang isang restaurant sa probinsya ng Rizal ay naghahain sila ng