ANG MGA PATOK AT RESTAURANT WORTHY NA IBA’T-IBANG URI NG SINIGANG
Aminado ang lahat na ang Adobong manok ang pagkaing Pinoy na maaari nating ipanlaban sa mga pagkaing banyaga, sa asim at alat nitong lasa ng dahil sa suka at toyo, talaga namang nagbibigay ito ng kakaibang panlasa para sa lahat. Subalit hindi rin natin ma-itatanggi na ang sinigang ang pangunahing paboritong ulamin ng ating mga kababayan, may lutong pang-bahay at pang-restaurant pa.
Pero pagdating sa klase ng sinigang,
aba! Napakarami ang maguguluhan kung anong sinigang at sangkap baa ng gagamitin
para rito. Sa karne kasi, marami ang maaaring pagpilian, may baka, manok,
isdang bangus, hipon, sardinas at napakarami pang iba. Sa pang-paasim naman,
mayroong sampalok, miso, kamyas, mangga, bayabas, purong kamatis at marami pang
iba.
Siguradong alam na ng napakarami
ang sinigang sa baboy sa sampalok at ito na mismo ang pinaka-popular na
sinigang sa ating bansa lalo na sa Metro Manila. Subalit ang isang restaurant
sa probinsya ng Rizal ay naghahain sila ng sinigang sa sardinas sa sampalok,
yummy! Sa kulay pa lang nito na pula, talaga namang mapapa-wow ka sa sarap. Ang
sinigang sa hipon naman ng isang restaurant sa Siyudad ng Quezon ay gumagamit
ng tomato sauce bilang pang-paasim sa sinigang sa Hipon.
Ginagamit din ang mga maaasim na
prutas upang pang-paasim ng sinigang tulad ng isang beach resort sa Subic na
gumagamit ng Mangga bilang pang-paasim at kung matikman ito ay talagang
malulukot ang iyong mukha sa sobrang asim.
Pinaniniwalaan na kamag-anak nito
ang isang sikat na recipe sa Malaysia na Singgang na katulad ng ating sinigang,
maasim at may sabaw din ito, ‘yun nga lang simple lamang ito, kamatis at siling
pula lamang ang sahog at karaniwang isda lamang ang karne nito. Kaya naman
hanapin at magdiskubre pa ng mga lutuing sinigang na maaaring pasikatin lalo na
sa mga restaurant.
Masarap din bilang lutuing bahay
ang iba’t-ibang uri ng sinigang pero ayos sa aking pagsisiyasat, ang sinigang
na baboy sa sampalok ang pinaka-sikat, sumod ang sinigang sa hipon at bangus,
hindi rin papatalo ang pink salmon at manok. Pinaka-least favorite naman ang BAKA
at Sardinas pagdating sa lutuing bahay.
*All photo credits to my idol Panlasangpinoy.com
Comments
Post a Comment