Posts

Showing posts from 2014

Buto ng PAKWAN

Okay na e' kaso isang garapon na ata ang nauubos ko pero ayoko pa ring tumigil. Nakaka-adik kainis! Ang hapdi na nga ng labi ko e. Edi ayoko na, ng biglang nagkainan silang lahat, edi nakisali ulit ako dahil ayokong maubusan. Hahaha Ano nga ba ang napapala ko sa pagngata nito? E wala naman, basta ang alam ko, nakakaadik siya at napakasakit na sa labi at dila. At di naman siya nakakabusog dahil sa napakaliit nito. Edi ito na, ubos na yung butong pakwan, maya-maya butong kalabasa naman ang tinira namin. Hahaha

SPOILER ALERT!

Nakakainis yung isang forum na binabasa ko, nagbigay na sila ng hint na hindi nakapasa yung gusto ko sanang makapasok sa The Voice Philippines si Musica Cristobal, as in wala raw umikot sa kanya. Of course, nakalaban siya ni Sarag G sa star for a night dati na ipinalabas sa channel 13 at kinanta niya noon yung Emotions by Destiny's Child. Ilang beses ko na rin siyang napanood na sumali sa ibang singing contest at lagi siyang laglag, I dunno pero wala namang problema sa boses niya pero bakit walang nakaka-appreciate? Ang dami ng SFAN finalist ang nabigyan ng moment pero siya hindi siya mabigyan-bigyan ng break, bukod kasi kay Sarah G. nariyan si Mark Bautista at kahit papano ay may pangalan na rin si Angeline Quinto. Si Angeli Mae Flores nakilala na rin sa YouTube, si Mau Marcelo nanalo bilang first Philippine Idol. So sana mabigyan na sila ng moment dahil favorite talaga sila ng nanay ko dahil subaybay namin ang SFAN dati. Haha.

Dream Concert

I'm a big fan of Christian Music, of course by Jesus our Lord, kaya sana magconcert or gumawa ng live album na sama-sama ang mga favorite kong Christian worship leader. And manonood ako siyempre. Sana nga mangyari 'yun, yung parang Revealing Jesus with Darlene Zschech, ang kasama niya don si Israel Houghton, Michael Smith, Mirriam Webster, at Kari Jobe. Kung mauulit yun at dito sa Pilipinas gagawin, aba, hindi ko talaga yun palalampasin, with matching Carrie Underwood pa because of her new single Something in the Water about baptism, sure na sure pupunta ako kahit mahal pa ang bayad. Ito yung list na sana magsama-sama sa isang live album: Darlene Zschech - Dating Worship leader at lead vocalist ng Hillsong, at napakarami niyang kanta na talagang sumikat hindi dahil sa katanyagan kung hindi dahil sa pagtaas niya sa pangalan ng ating panginoon. Yeah, may sakit siya ngayon pero sure naman ako pagagalinging siya ni Lord. Favorite songs: God is Here, In Jesus Name, (From Hil

Home Based

Kapag home based talaga ang trabaho mo, talagang nga-nga ka, walang katapusang kain, kaya ito ako ngayon, lumolobo. Hindi kasi ako tumataba kapag nag-ta-travel ako kaya gusto ko na talaga ng full time work. At dahil hindi nauubos ang pagkain dito sa bahay, nakakainis, hindi ko mapigilan. Kagabi, habang nanonood ako ng Insidious chapter 2 sa HBO, hindi ko mapigilang hindi kumain, kaya kumuha ako ng Pancit Canton at nagluto ako, sadly may kahati ako. Hahaha, pero feel na feel ko pa naman kaya lang no comment na lang. At ngayon, mabuti na lang at walang pagkain, hindi tuloy ako lumalamon, siguro sinadya na wag mag iwan ng pagkain para di ko ubusin, hahaha, ako kasi ang umuubos ng lahat. Kaya kung sino man ang makakabasa nito, bigyan niyo ko ng disenteng trabaho. Hahahaha. Magiging obese ako nito ng wala sa oras, paano na ang pinapangarap kong duet kay Carrie Underwood o maging leading man ni Kim Chiu.

Start of Something New

Simula ngayon, dito na ako magpopost ng aking kalokohan. Oooops, hindi kalokohan kundi diary, wala naman akong kalokohan sa buhay kundi si Jesus lang e. Matapos kong pakinggan araw-araw ang kanta ni Carrie Underwood na Something in the water, at sa paghahanap ko ng career, dito ko nalang ilalagay. Lahat ng epic fail, sama ng loob, kritiko sa TV, mga side comments, chismis sa kapitbahay, at kung ano-ano pang mapapanood ko sa The Buzz, basta. Sa ngayon, dahil malapit na ang the voice, baka puro tungkol sa the voice ang ma-feature sa blog kong ito. pero siyempre, hinding-hindi mawawala ang Alaska Aces at ang PBA. Basta, lahat-lahat pwera lang siguro sa isolated blogs ko like movie review, about music at ang pagiging makata ko, dito lahat lang ng kung ano ang maisip ko, siguro dahil sa hindi ako makapag-post ng maayos sa tumblr ko which is doon ko to ginagawa. Basta, lahat ng masasagap kong tsismis, at kung ano-anong ideya na trip kong iblog dito gagawin ko, but of course, conserv